The Diary Game Season 3 (07-28-2021) | Ang Pagbahagi Namin sa Salita nang Dios Kasama ang mga Kabataan sa aming Simbahan

in Steemit Philippines3 years ago

Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat!!!

Isang magandang araw ang nakalipas na naman sa ating buhay at salamat sa Dios dahil sa walang sawang pag-aalaga sa ating lahat sa kabila nang meron pa rin tayon pandemyang nararanasan. Sa diary game kong ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang pagbahagi namin nang salita nang Dios kasama ang mga iilang mga kabataan sa aming Simbahan.

Noong nakaraang mga araw nga ay nagsabi ako sa aking pinsan na Pastor ko rin na isa sa plano nang aming Youth Department ay ang pagsagawa nang Evangelism o pagbahagi nang salita nang Dios sa aming Barangay bilang paraan namin nang pagpapakita nang pagmamahal namin sa Dios at pinayagan naman niya kami, kaya sa araw na ito ay ang araw na mag-uumpisa na kaming mag Evangelism.

Mga nasa oras nga na 7 nang umaga naghanda na ako, tinapus ko nang maaga ang mga kailangan kong gawin tulad na lamang nang pagbibigay nang pagakian sa mga alaga kong mga hayop na mga manok at dalawa kong baboy. Mga nasa oras naman na 8:50 ay umalis na kami paunta sa aming Simbahan upang makapag plano pa kami kung ano pa ang aming gagawin.

image.png

Pagdating nga namin doon kasama ang dalawa kong mga pamangkin ay kami pa lang tatlo ang nandoon kaya tinuruan ko muna sila kung ano ang mga dapat na gawin at ilang saglit din naman ay dumating na rin ang dalawa sa makakasama namin ngayon, buti nalang at dumating sila para na rin makapag simula na kami nang mabuti at makapag plano pa.

Ilang saglit matapos ko silang maturuan ay napagpasyahan na naming umalis papunta sa lugar na kung saan kami mag envangelism o magbahagi nang salita nang Dios. Hindi naman gaanong malayo ang aming pupuntahan pero medyo bukirin nga lang siya kaya nakakapagod, dagdag pa ang sikat nang araw na talaga namang napaka init. Pera sa kabila nang lahat nang ito ay nagpatuloy pa rin kami at salamat sa Dios sa lakas na kanyang ibinigay.

image.png


image.png

Pagdating din namin doon ay nagpahinga muna kami nang kunti at ilang saglit nga ay nag-umpisa na rin kaming magbahay bahay at nagbahagi nang salaita nang Dios. Nagpapasamalat lang din kami sa Dios dahil sa lahat nang mga bahay na napuntahan namin ay tinanggap kami nang mga tao at nakinig nang mabuti sa amin. Mga nasa higit sa 7 bahay lahat ang aming napunthan at nabahagian nang salita nang Dios.

image.png

Habang kami nga ay nagbahagi nang salita nang Dios ay nakita namin itong isang bata na nakahiga na para bang merong sakit na nararanasan at noong tinanong namin ang kanyang ina, dahil daw ito sa paglalaro nila nang kanyang mga kaibigan. Hindi sinasadyang nasugatan ito at hindi alam kung ano ang nakasugat at marami nga ang duga ang lumabas kaya hindi namin pinabayaan ang bata at nagbahagi kami nang dasal sa bata para gumaling ito at para walang kahit na anong impeksyon ang mangyari dahil alam namin na ang Dios lamang ang magpapagaling sa kanya.

image.png

Mga nasa oras na 2:00 nang hapon kami natapos at salamat talaga sa Dios dahil naging matagumpay ang ka una-unahang Evangelism namin nang mga kabataan sa aming Simbahan at bago nga kami umuwi ay nagpa picture muna kami bilang remembrance sa lugar. Balak pa rin naming bumalik dito sa mga susunod na panahon dahil sa susunod na linggo ay sa ibang lugar na naman kami mag babahagi nang salita nang Dios.

Sa totoo lang hindi talaga namin ito magagawang lahat kung wala ang tulong at lakas na ibinigay nang Dios kaya nagpapasalamat talaga kaming lahat sa ating Dios na buhay, ang ating Panginoong Hesu Kristo.

Hanggang dito lang po ang aking Diary Game sa araw na ito at para sa lahat ay ini-ingganyo ko kayong lahat na magbahagi nang inyong mga Diary Game entries.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

Pagpalain ka sana ng ating Panginoon.

 3 years ago 

Maraming salamat. God Bless

 3 years ago 

God bless you Mel and at sa mga kasama mo. Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary sa araw na ito.

 3 years ago 

Maraming salamat ate...God Bless

 3 years ago 

God Bless you all po and stay safe & healthy always para maipagpatuloy nyo po ang magandang gawain.

Hi, @loloy2020,

Thank you for your contribution to the Steem ecosystem.


Please consider voting for our witness, setting us as a proxy,
or delegate to @ecosynthesizer to earn 100% of the curation rewards!
3000SP | 4000SP | 5000SP | 10000SP | 100000SP

 3 years ago 

Continue to spread the good news, and may God will continue to bless you and your team and keep you away from any harm.

 3 years ago 

What happened now to the wounded kid? Baka kagat NG ahas Yun Mel. Follow up mo please.

 3 years ago 

Nasugatan kasi naglalaro sila nang kanilang mga friends, d alam na yong kahoy na gamit, meron palang pako..mabuti nalang maliit lang pero maraming dugo ang lumabas..

 3 years ago 

Ok na daw sya ngayon...

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63314.98
ETH 3233.91
USDT 1.00
SBD 3.88