#Club5050 || Diary Game Season 3 (11-27-2021) | Ang Aming Face to Face Joint Fellowship - Salamat sa Dios dahil natapos ng Matagumpay

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Isang Mapayapa at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

image.png

Isang magandang pangyayari na naman ang aking ibahagi sa inyong lahat sa araw na ito at salamat sa Dios dahil sa mga pangyayaring ito ay nabigyan ako ng lakas upang maitaguyod ng mabuti ang aking pagdadala sa mga kabataang ito dahil nga sa ako ang na appoint na Leader sa kanilang lahat dito sa aming circuit o section na mahigit sa merong kabuoang 15 Churches lahat lahat at higit sa 100 mga kabataan kung magsama-sama, ang activity nga namin ngayon ay Face to Face Joint Fellowship.

image.png

Nakatakda nga na magsagawa kami ng Fellowship ng mga nasa oras sa 1:00 ng hapon kaya umaga pa lang ay naka handa na ako kasama ng iba ko pang mga kabataan. Mga nasa oras na 11:00 ng umaga ay nakabihis na kami at mga tanghali din ay agad din kaming kumain ng tanghalian at pagkatapos ay agad-agad din kaming umalis dahil higit sa 30 minuto pa ang aming byahe papunta sa Church na pagdada-usan namin ng Fellowship.

image.png

Saktong sakto din dahil nakarating kami sa Church ng mga nasa oras na 1:10 ng hapon at hindi pa gaanong marami ang mga bata. Paglipas naman ng ilang mga minuto ay unti-unti ng dumami ang mga kabataan kaya sinimulan na din namin ang aming fellowship sa araw na ito.

Sinimulan nga namin ang aming Fellowship ng pagdadasal at sinundan din ito ng mga pag-aawit ng mga pagsamba at pagpapasalamat sa Dios. Nagpapasalamat talaga ako sa Dios dahil kahit na medyo marami ang mga kabataan na sumali ngayon ay naging maayos naman ang lahat, at ang lahat ay nakapag-samba at nakapag-bigay papuri sa Dios.

image.png

image.png

Pagkatapos ng aming pagsamba at papuri sa Dios ay sinundan din namin ito pagbabahagi ng mga salita ng Dios at sa Fellowship naming ito ay inanyayahan namin ang Pastora ng Church kung saan kami nagdaraos ng aming Fellowship at salamat din sa Dios dahil napakaganda ng kanyang ibinahaging salita ng Dios sa araw na ito. Kung aking e summarize ang lahat ng kanyang ibinahagi, ang mensahe nito ay nagbibigay aral sa atin na dapat magkaroon tayo ng puso at buhay na handang tanggapin ang mga salita ng Dios na kung minsan nararamdaman natin na medyo masakit, pero ang lahat nang yan ay para naman sa ating kabutihan, dahil ang gusto lang ng Dios sa atin ay para sa kabutihan lamang natin.

Talagang nagpapasalamat ako sa Dios dahil ang mga kabataang ito ay tinanggap ng mabuti ang mga Salita ng Dios at sa tulong lamang ng Dios ay ang lahat ng mga salita ng Dios na kanilang narinig ay tutubo at ma apply nila sa kanilang buhay at sa kanilang pag-samba sa Dios.

image.png

Pagkatapos na makapagbahagi ng mga Salita ng Dios ang aming Pastora ay isinagawa na din namin ang aming pinaghandaang contest para sa Fellowship na ito at ang contest nga namin sa araw na ito ay ang Bible Quiz Bee, at halos lahat nga na mga Churches ay meron mga contestant, mga nasa 15 sila lahat na merong dalawang membro kada grupo. Dahil nga wala ako gaaanong alam kung paano patakbuhin ang contest na ito, kaya ibinigay ko ang pagdadala nito sa isa sa mga officers namin at isa din siyang Teacher kaya meron na talaga silang mga experience nito at naging maayos nga ang lahat.

image.png

image.png

Isa nga sa mga contestant ay ang mga kabataan namin sa Church at bago nga nagsimula ang contest ay lumapit muna sila sa aking para magdasal sa Dios na sila ay bigyan ng lakas at masagot nila ang lahat ng mga tanong at salamat nga sa Dios dahil sa unang round ay sila ang unang grupo na nakakuha ng 5 points kaya pasok na sila sa round 2, s round 2 naman ay ika 2 na grupo na nakapasok sa round 3 or Difficult round. Sa Difficult round naman ay meron nalang 3 groups ang natira at paramihan nalang sila ng points pagkatapos ng 15 na tanong at nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil kahit na hindi sila naging Champion ay naging 1st place naman sila, at sa tulong ng Dios at sa pagdarasal namin bago magsimula ay talagang malaking tulong.

Natapos naman ang aming Fellowship ng mga nasa oras na 5:00 na nang hapon at dahil medyo malapit nang mag-gabi ay binilisan na lang din namin ang pagtapos, para maka uwi na din ang lahat sa kani-kanilang mga bahay at naka uwi na nga din kami sa aming mga bahay, lalong lalo na ang mga kabataang kasama namin nga mga nasa oras na 5:50 na ng hapon ng ligtas at magandang pangangatawan.

Hanggang dito lang po ako mga ka-Steemit Philippines at maraming salamat sa pagbisita at pagbabasa sa aking post at sana ay nasiyahan din kaya.




Bago ako magtapus ay akin munang ibahagi sa inyong lahat ang aking 30-days Transactions:

image.png
NORMAL TRANSFER


image.png
TRANSFER TO VESTING


image.png
Steemit Club Tag Eligibility


Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat sa lahat nang Steemit Team para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 2 years ago 

Congrats naging overall leader ka ng mga kabataan.

 2 years ago 

Yes ate, medyo mahirap pero masaya.

loloy2020 here...

 2 years ago 

Blessed ang mga kabataan na iyan na ikaw ang kanilang leader. God blesd you in your efforts in righteousness Mel.

 2 years ago 

Napaka gandang activity po itong bible quiz, dito talaga ako natutong mag basa ng bible noong high school. Kailangan talaga ito upang hindi ma decieve ang kabataan natin lalo na sa panahon ngayon.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66095.77
ETH 3184.92
USDT 1.00
SBD 4.12