Ang aming Church Thanksgiving and Christmas Party, Talagang napaka-saya at Salamat sa Dios!!!

in Steemit Philippines3 years ago

Mabuhay at Maligayang Pasko!!!

image.png

Isang napakasayang araw ang nagdaan sa ating mga buhay at nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa kabila ng mga nananatiling nangyayari sa ating buhay ay nagpatuloy pa rin na napaka buti ng ating Dios sa lahat ng panahon, kaya para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang aming nagdaang Church Thanksgiving and Christmas Party na siyang ring pagpapasalamat namin sa Dios sa walang sawang pagmamahal at pagbigay protection sa aming mga buhay araw-araw. Iba din ang aming pag-celebrate ngayon dahil hindi ito sa aming nakasanayan na sa Church lang namin pero ngayon ay gagawin namin ito sa isang Swimming Pool Resort na meron din Function Hall kaya pweding kaming makagawa ng aming celebration.

image.png

Mga nasa oras na 4:00 ng umaga ay gumising na kami upang mapaghandaan na ng mabuti ang pagluluto namin ng Lechon Baboy na noong gabi pa lang ay inihaw at inilagay na sa tubo para pagka-umaga ay timplahan na lang namin ito. Sa pagtutulongan naman namin ay nagawa namin ito ng mabuti, lalong lalo na at ang iba sa aming mga kasamahang mga kabataan ay magaling na sa pagluluto ng Lechon Baboy. Pagsapit ng mga nasa 5:00 ng umaga ay inilagay na namin ito sa napaka-init na apoy upang maaga itong maluto ang makalipas nga ang mga dalawang oras ay naluto na ito at handa na upang dalhin sa aming venue.

image.png

Mga 8:00 ng umaga ay unti-unti na kaming nagpunta sa venue namin pati din ang aming mga dalang pagkain at iba pang mga kailangan namin, lalong lalo na ang aming mga dalang regalo. Pagsapit naman ng mga 9:00 ng umaga ay napagdesisyonan na din namin na magsimula sa aming Sunday Church Service dahil marami din kaming dapat na gawin sa aming celebration.

Pinangonahan nga ito ng mga dasal o opening prayer at sinundan din agad-agad ng mga papuri at pasasalamat sa Dios sa pamamagitan ng mga pagkanta at mga sayaw, talagang napaka buti ng Dios sa lahat ng panahon. Pagtapos nito ay nag present naman ng iba't ibang mga sayang ang bawat department sa aming Church, mag mula sa mga bata, sa mga youth, sa mga ina at pati din sa mga ama kaya mas naging masaya ang aming celebration dahil sa mga sayaw na iniaalay para sa Dios.

image.png


Pagkatapos naman ng mga presentation ay sinundan din ito ng pagbabahagi ng mga Salita ng Dios ng aming Pastor na nagbahagi sa amin kung ano ngaba ang totoong kahulogan ng Pasko. Kung ating makikita sa bawat mga tao, ang pag celebrate ng Paskto ay para ng normal na lang na celebration na para ding si Santa na ang na sentro pero dapat pala ay ang totoong ma sentro sa ating pag celebrate ng Pasko ay si Hesu-Kristo at ang kanyang kapanganakan na nagbigay din sa atin ng pagasa at pagmamahal. Napaka-ganda talaga ng mensahe na ibinahagi ng aming Pastor at talagang saktong sakto para sa Pasko.

Dahil nga sa medyo tanghali na din, pagkatapos na makapagbahagi ng mga salita ng Dios ang aming Pastor ay oras na din ng Pagkain at kung ano man ang nasa lamesa na dala ng bawat pamilya ay pinagsaluhan namin lahat at salamat sa
Dios dahil nabusog talaga kaming lahat dito.

image.png

Ngayon ay natapos na din kami sa aming pananghalian at mga nasa oras na 1:00 ng hapon ay magsisimula na din kami sa aming ikalawang part ang aming Christmas Party pero bago magsimula ay nagpa picture muna kaming lahat ng mga membro sa aming Church mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda. Sinundan din ito aga-agag ng mga Parlors Games talaga namang napakasaya na para bang bumalik sa pagkabata ang lahat ng mga matatanda. Ang huli din naming ginawa ay ang exchange gift o pagbibigayan ng mga regalo, dahil sa medypo pagod na ang lahat ay hindi ko na kuhaan ng mga litrato ang mga pangyayari pero natapos naman ang lahat nga matagumpay at masaya.

image.png

At ang paghuli bago ang lahat naligo sa pool ay, humingi ng request ang anim sa aming mga magaganda at mababait na mga young ladies na picturan sila na bit-bit ang design namin sa Stage na merong name na Jesus, at tuwang tuwa naman silang lahat. Natapos at nag-enjoy talaga ang lahat at nagawa ang lahat ng ito sa tulong ng ating Dios na buhay at tatapusin namin ang taong 2021 ng buong pasasalamat at papurit pagsamba sa Dios lamang, at hanggang sa taong 2022 na naman muli.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

Ipagpatuloy mo ang iyong pagiging mabuting tao at pag serve mo sa ating Panginoon.
Merry Christmas and Happy New Year!

 3 years ago 

Amen bro. Glory be to God!!! Blessed Christmas and Happy New year!!!

 3 years ago 

Ang saya namn pati mga bata kitang kita ang excitement nila..merry christmas and happy new year po.Godbless

 3 years ago 

Salamat po, same to you din po...

 3 years ago 

Ang saya saya naman po ng inyong pagdiriwang. Ang laki ng lechon.
Nakakatuwang tignan na ang lahat ay nagparticipate upang maging successful po ang inyong Thanks Giving and Christmas party na din.
Panigurado nagenjoy po ang lahat lalong-lalo na ang mga bata. Mukhang ang daming games. May blessing po tlaga kay Lord kung ang isang gatherings na katulad nito ay inaalay nyo po sa kanya.
To God be the Glory.

 3 years ago 

Salamat sa Dios ate dahil naging matagumpay ang lahat. Nag enjoy talaga ang lahat, lalong lalo na ang mga bata...

 3 years ago 

Basta mapagmahal, mahal din ni God ang saya ng selebarasyon ninyo.

 3 years ago 

Amen ate,, lingaw jud kaayo ang tanan ate...

Congratulations on being a runner-up in the Steemit Awards 2021...

 3 years ago 

Thank you very much.. 😇

 3 years ago 

God bless you more.
You deserve all the success in life because you're a very kind and God-fearing person.
Happy holidays!

 3 years ago 

Amen po, salamat talaga sa Dios.. God Bless you po ate..

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54166.76
ETH 2272.15
USDT 1.00
SBD 2.34