Diary Game/Act Of Kindness (05-18-2021) | Ang Ikatlong Feeding Mission Namin sa Tatlong Venue Ngayong Buwan Nang Mayo 2021 😇🙏☝

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Maligaya at Mapagpalang Araw sa Ating Lahat!!!

Isang napaka maganda at maligayang araw na naman ang nagdaan sa akin dahil isang panibagong Feeding Mission for the Kids na naman ang nagdaan at nagawa namin nang matiwasay. Para sa buwan nga nang Mayo 2021, meron kaming maraming schedule na gagawin para sa aming fedding mission at ngayon araw nga na ito ay nasa ikatlong feeding mission na kami mula noong Mayo 1 ang una, Mayo 14 ang ikalawa at ngayong araw ang ikatlo. Para sa feeding mission namin ngayon ay kakaiba dahil meron kaming tatlong lugar na pagdadausan at bagamat meron pang pandemya ay pinayagan pa rin kami nang barangay sa kondisyon na magsusuot kami nang facemask para maiwasan ang kung ano man nag komplekasyon na mangyayari.

image.png

Dahil nga sa meron kaming tatlong lugar na pagdadausan nang aming feeding mission sa araw na ito, mas maaga kaming gumising at nag umpisa nang pagluluto, mga nasa oras kami na 4:00 nang umaga kami gumising at agad-agad ding nag umpisa nang pagluluto. Sa amin na ngang nakasanayan, ang aming lulutuin ngayon para pagkain nang mga bata ay Fried Chicken at Spaghetti at syempre ang kain ay hindi dapat mawawala.

Dahil ang estemate namin ay nasa mga higit 100 ang mga bata, nagluto kami nang mas marami dahil inaasahan na namin na meron din mga iilang mga magulang ang sasama sa kanilang mga anak. Mga nasa oras na 6:00 umaga unti-unti na ding dumaratin ang iba pa naming mga kasama upang tumulong sa pagluluto dahil balak namin na mga nasa oras na 7:00 o 8:00 nang umaga ay aalis na kami papunta nang barangay na kung saan doon kami mag sasagawa nang feeding mission at mga nasa oras na 7:40 nang umaga nga ay natapus din namin sa wakas ang pagluluto.


image.png

Mga nasa oras na 8:35 nang umaga ay nakarating na rin kami sa unang venue nang aming feeding mission, sa Covered Court nang Barangay at siguro nasa higit 40 na ang lahat nang mga bata na naroon. Pagdating din namin ay nagsagawa muna kami nang munting programa upang maaliw ang mga bata sa pamamagitan nang mga sayaw at mga kanta para sa Dios at para sa lahat na naroon s venue. Mga ilang minuto din kami naroon at mga bago kami nagtapus ay nagbahagi naman nang konting mesahi ang isa sa aming Pastor. Mga nasa oras na 9:40 nang umaga ay natapos na rin ang aming munting programa at agad-agad din naming sinimulan ng pagbibigay nang mga pagkain sa mga bata. Mga ilang minuto na tapos din namin ang sa venue na ito at kasunod na naman ang ikalawang venue.


image.png

Pagkatapos sa unang venue ay sa ikalawang venue na kami pumunta at mga nasa oras na 10:15 na iyon nang umaga, mga ilang minuto lang naman ang byahe papunta doon. Pagkadating din namin doon ay tinawag namin kaagad ang mga bata na ang iba naman ay naghihintay na pala sa amin. Ganon pa rin, nagsagawa muna kami nang kaunting programa para maaliw sa mga sayaw at kanta ang mga bata at pagkatapos ay kasunod na din ang aming Pastor sa pagbahagi nang salita nang Dios hindi lang para sa mga bata kundi sa lahat nang mga nandoon tulad nang mga magulang . Mga ilang saglit lang din ay agad agad in naming binigyan nang pagkain ang mga bata pagkatapos.


image.png

Ngayong natapos naming ang ikalawang venue nang mga nasa oras na 11:15 na nang umaga kaya nagmamadali na kami at baka naghihintay na ang mga bata at nakarating na din kami sa ikatlong venue nang mga nasa oras na 11:25 nang umaga at agad-agad din kaming nagsimula sa munitng programa natin tulad nang pag-aaliw sa mga bata sa pamamagitan nang mga sayaw at kanta. At ganon pa rin ang huling nagbahagi ay ang aming Pastor, nagbahagi nang mga salita nang Dios. Mga nasa oras na 12:15 na kami natapos at agad-agad din na ibinahagi ang mga pagkain sa mga bata at baka nagugutom na sila.

image.png

Natapos namin lahat lahat ang aming Feeding Mission nang mga nasa oras na 12:40 na nang hapon at hindi pa din kami nananghalian kaya para naman sa amin na nagawa nang matiwasay ang aming Feding Mission ngayon, maraming pagkain ang para sa amin na pagsasaluhan nang lahat. Mga nasa oras na 3:00 nang hapon na rin kami naka uwi sa ming mga bahay bahay at salamat sa Dios sa matagumpay na mission namin ngayon.

Sa kabuoan ay isa ito sa pinakamasayang feeding mission namin dahil meron kaming tatlong venue na pinagdaosan at unang beses ito, pero sa tulong nang Dios ay napagtagumpayan namin itong lahat at sa lahat nang biyaya na ibinigay niya sa amin.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63574.15
ETH 3404.81
USDT 1.00
SBD 2.54