Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : Gisadong Hipon
Hello steemians, wishing you all have a great day!
Ngayon po ay ibabahagi ko naman ang "Gisadong Hipon" na amoy at tingin pa lang ay tiyak na matatakam ka.
Sa totoo lang hindi ako pwedeng kumain nito dahil sa allergies ko ngunit ganun pa man alam ko na sobrang sarap nito dahil minsan din akong nakakain nito nung kabataan ko pa lang. Isa ito sa paminsan-minsan lang kung maihain dahil masyadong mapresyo kaya kadalasan sa mga espesyal na okasyon lang ito makikita o sa mga iilan na seafood restaurant. At dahil mahilig sa seafoods ang pamilya ng aking nobya ay isa ito sa espesyal na inihanda para sa kaarawan ng kanyang pamangkin at isa pa ang hipon ay isa sa paborito ng birthday celebrant.
Requested din daw ng birthday boy na ang lolo niya ang magluto at hinarangan pa daw ito upang hindi pumasok sa trabaho ayon sa nobya ko dahil daw kaarawan niya kaya walang nagawa kundi pagbigyan ito. Tumutulong din ako sa paghahandang ginawa nila at nakapag-obserba kung paano ito lutuin.
Ingredients
- cooking oil
- 3 cloves of garlic
- 1pc onion
- shrimp (hipon)
- spring onions
- soy sauce
- tomato sauce
Procedure
Pina-init muna ang cooking oil pagkatapos iginisa ang bawang(garlic) at sibuyas(onion). Sunod na iginisa ang hipon hanggang sa maluto na ito pagkatapos binuhusan ng soy sauce. Idinagdag ang tomato sauce at pinakulo ito. At ang huling idinagdag ay ang spring onions na pang-toppings at ito ay ready to serve na.
Pasensya na po kung walang exact measurement dahil hindi ko po naitanong.
Karagdagang Impormasyon
Ang hipon ay mayaman sa protina na kailangan sa pagbuo ng fibers ng kalamnan at pagpapalakas ng buto ng ating katawan. Ang karne din ng hipon ay may mababang nilalaman na calorie. Nakakatulong din ang hipon upang maiwasan ang sakit sa puso na kadalasan ay aktibo sa pangangatawan ng nasa edad na 40 pataas. May marami din itong benepisyo gaya ng napapabuti nito ang daloy ng apdo, nagpapagaan sa atay, nag-aalis ng kolesterol, nagpapahina ng presyon ng dugo at marami pang iba.
Yan lamang po muna sa ngayon at laging tatandaan "Health is wealth". Iniimbitahan ko din kayo kabayan @sweetspicy, @zoe21 at @traderpaw na makisaya sa pagbahagi ng inyung Filipino Food Photography.
Maraming salamat po, stay safe at God Bless everyone!
With sincere regards,
@lealtafaith
#steemitphilippines #photography-contestph #steemph-filipinofood #filipinofood-photography #steemexclusive
lamia ani oi, mawala jud allergy nato ani😍🤣😀
kaayo maam, maglaway ang naay allergy gyud parehas nako haha
Wala koy allergy ani sir. Panghatag unya ani sunod 😅, hehe lamia ani gigutom nuon ko.
hahaha btaw maam, nangshare sila sa mga silingan ani
Isa sa akong paborito nga sud.an...lamian kaayo...
wow thank you sa points sir and nice to know nga paborito ni nimo haha tan-aw lang ko kay allergy
Judge: @juichi
thank you sir 😊
Kalami ba ani oi, ako lang ni e imagine ako monggos nga pasayan hehehe...
hahaha kaayo maam
nice photography
thank you te😊