#001 Poem- MUSIKA

in #philippines8 years ago

I just wrote a poem because of boredom (HAHAHA). So i'm gonna share this to you guys. Hope you all like it. Thanks for reading! Critics are highly appreciated.

Musika
By: Kfineee

ThinkstockPhotos-483993610-1280x427.jpg (Photo is not mine. Crdts to the owner. Source : https://themighty.com/2016/11/depression-what-i-wish-i-knew-about-recovery/)

Alam kong hindi kagandahan ang iyong tinig
Pero ang iyong mga awit ay musika sa aking pandinig
Ako’y napapapikit at napapangiti
Ninamnam ang bawat letra at mensahe na ‘yong binibigkas

Ganito ba?
Yung sinasabi nilang pag-ibig?
O kay sarap sa pakiramdam!
Ayoko ng matapos pa
Ayokong imulat ang aking mga mata

Pero isang umaga
Nagising ako sa katotohanan
Kay hirap tanggapin
Kay hirap paniwalaan

Parang isang bulaklak na lang ba?
Pagkatapos mamulaklak at masilayan ang ganda,
Ay tuluyan ng malalanta at makakalimutan ang halaga?
O isang puno?
Na kayang ibigay sayo ang lahat,
Ngunit hindi mo ito makita at mas pinili mong saktan

Ang dali mong itapon ang mga plano nating dalawa
Ang dali mong sumuko at ipagpalit ako sa iba!
Hindi ako laruan mahal ko
Wag mo akong paglaruan!

Alam kong minahal mo ako
Pero hindi kagaya ng pagmamahal ko sayo
Alam kong Masaya ka na
Alam kong dapat kalimutan na kita
Pero sana maintindihan mo na hindi ko pa kaya

Kaya heto ako sa dati nating tagpuan
Nakaupo at ginugunita saan ako nagkulang
Saksi ang mga damo, ibon at maging itong puno sa ating pagmamahalan

Pinikit ko ang aking mata
Tinanggal ko ang headset sa aking mga tenga
Ayoko na ng iyong musika
Sana makalimutan na kita.

Sort:  

Hmmm di po ako ganoon ka eksperto pagdating sa tulaan ngunit masasabi ko po na maganda po ang inyong likha. Suggest ko po si lodi @filipino-poetry magaganda po ang bitawan niya sa mga tulaan maari nyo pong basahin ang iba nyang akda :)

Naibigan po namin ito! At nawa'y magpatuloy pa po kayo sa paglikha sa wikang Filipino.

Maraming salamat @tagalotrail :) Nakakataba ng puso

Naku! move on na hehehe ganda naman tula mo @kfineee. salamat sa pag babahagi mo. maganda pala pag atakihin ka ng boredom. mapapatula ka. hehhe

Hahaha Walang dapat imove on @fherdz. Charet! Thanks by the way~


thanks for posting steemitdavao tags,

sanay mag join ka sa aming chat group sa steemitdavao

https://www.facebook.com/groups/2025866147690755/

steemitdavao bot.png

wawex dear 😟

Snaxx ta dear

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.083
BTC 60975.16
ETH 1569.36
USDT 1.00
SBD 0.47