Steemit Philippines Open Mic Week 4 Contest | Bakit nga ba Mahal Kita by Roselle Nava | 20% to steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Hello po sa inyong lahat , kumusta po kayo? Magandang araw sa aking mga kababayan sa #steemitphilippines. Nandito na naman ako para sa ika week 4 OPM contest na sinisimulan ni nanay @olivia08.

Pang tatlong sali ko na po ito at kung napansin nyo, puro love songs ang mga kinanta ko dahil favorite ko po talaga yun. At ang napili kong kanta para sa week 4 contest ay "Bakit nga ba mahal kita" by Roselle Nava. Ang awiting ito ay nakapasikat ngayon dahil sa new version na kinanta ng isang sikat na singer na may levelling. Simula sa koro na mababa hanggang sa pinakamataas. Ngunit ang kinanta ko ay yung bersyon lang na orihinal.

Ito ang kantang aking napili dahil hindi lang maganda ang tono nito , maganda rin ang mensahe ng kanta. Ito ay nagsasaad ng isang pagmamahal na totoo na kapag sya ay nagmahal, isa lang talaga at wala ng iba pa. Maganda ang unang mensahe ng kanta ngunit kung tapusin mo ito, masakit pala ang talagang mensahe nito. Ito ay malapit sa katotohanan at talagang may mga taong ganito sa totoong buhay. Kung tayo ay nagmamahal ng tunay, handa talaga nating gawin lahat, lumigaya lang ang ating iniibig. Ang problema lang ng mensahe ay ibinigay nya lahat at hindi na nagtira sa kanyang sarili kung kaya't nasasaktan sya. Naging obsessed sya sa huli at itinatanong sa sarili kung bakit mahal nya yung tao na yun kahit pa man hindi pinapansin ang kanyang damdamin.

Umabot sa punto na wala na syang pakialam sa sinasabi ng iba. Handa nyang paglingkuran ang taong iyon na hindi naghahangad ng kapalit. Ang ganitong feeling sa isang relasyon ay nakukuhanan natin ng leksyon sapagkat alam naman natin na ang pagka obsessed ay hindi tama at di dapat tularan. Talagang may mga ganito lang talagang pangyayari sa totoong buhay. Ang magmahal ng tao ay hindi masama pero ang pagbuhos nito lahat ay isang mali lalo na pag hindi natin kayang panindigan ang ating ginagawa at hindi natin alam paano kontrolin ang pangyayari.

Kung ayaw nating mangyari sa ating sarili ang ganitong bagay, dapat matutunan nating magtira ng pagmamahal sa ating sarili upang di natin maitatanong sa ating isipan kung "Bakit nga ba mahal kita?". Bakit nga ba? Ikaw lang talaga makakasagot nyan 😂. Malay ko talaga sayo 😁

"Bakit Nga Ba Mahal Kita"
Roselle Nava

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit ′di pinapansin ang damdamin ko?
'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ′yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba?
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
Oh, bakit nga ba mahal kita?

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa ′yo′y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
′Di naghahangad ng ano mang kapalit

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko?
′Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba?
Ba′t baliw na baliw ako sa 'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
Oh, bakit nga ba mahal kita?

Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko?
′Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ′yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba?
Ba't baliw na baliw ako sa ′yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
Oh, bakit nga ba mahal kita?
Oh, bakit nga ba mahal kita?

Source: https://www.google.com/amp/s/www.musixmatch.com/lyrics/Roselle-Nava/Bakit-Nga-Ba-Mahal-Kita/amp

Maraming salamat at magandang gabi po 😊.

Sort:  
 3 years ago 

"Bakit mahal kita kahit mayroon kang mahal na iba" kawawa naman sa ngmamahal sa may minahal . Hwag naang magmahal. Salamat sa pagsali ulit.

 3 years ago 

Hehe Para mas madali nanay wag nalang po magmahal haahaha .Salamat din po nanay😊

 3 years ago 

Ang ganda mg boses at napakalamig sa Tenga. 😊👏👏

 3 years ago 

Maraming salamat po😊😊

 3 years ago 

Walang anuman. 😊

 3 years ago (edited)

Bakit nga ba masakit magmahal?
Ay simple lang, mga expectations!
Hehehe

Bakit nga ba?

 3 years ago 

Oo nga po more expectations, more pains😁

 3 years ago 

Nindotag tingog jud. Maikog ta! Laban sa love jud. Hangtod makakita sa “The One”

 3 years ago 

Thank you po😊 laban rajud hehe😁

 3 years ago 

Greetings to you @julietpunay,
I am inviting you to join and commit to #club5050 program, also dont forget to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to this link.

https://steemit.com/hive-169461/@juichi/club5050-latest-update-and-new-guidelines-on-how-to-have-a-curators-support

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 96247.25
ETH 3349.36
USDT 1.00
SBD 3.28