The Diary Game: Ang aming simpleng salo-salo sa "Mang Inasal" Restaurant

in Steemit Philippines2 years ago
"Amoy pa lang, ulam na!" ito ang madalas nating maririnig na usapang kalye. Sino nga ba naman ang hindi matutukso sa linamnam at sarap ng barbecue?

received_506394718064075.jpeg

Napagkasunduan naming mag kaibigan na ilebre ang aming mga kasamahan sa trabaho at kakain kami sa "Mang Inasal" fastfood restaurant bilang reward sa kanilang mainit na pagtangap sa amin. Kaya bago kami umuwi ay binilang muna namin ang lahat naming kasamahan. Nasa 23 kaming lahat at kailangan muna namin mag pa reserve sa restaurant para magkasama kaming lahat sa iisang area at mag chikahan.

received_492595679566349.jpeg

Pagdating ko sa restaurant ay tiningnan ko muna ang kanilang menu. At may mga promo din pala sila ngayon. Tulad na lang ng free halo-halo kapag dalawang chicken barbecue set meals ang iyong order. Sinabi sa akin ng aking kasama na mas mabuti pang set meal na may unli rice nalang ang aming bilhin. Hindi naman siya gaanong ka mahalan at sulit na sulit dahil may drinks na rin itong kasama.

Number 56 ang aking number. Tamang tama wla pa naman ang aking ibang kasama dahil may overtime sila sa work. Umupo lang muna ako sa isang tabi habang hinihintay ko silang dumating. Medyo nagugutom narin ako at mas lalo akong na excite kumain. Simula pagdating ko mula galing Japan ngayon lang ako ulit nakapunta sa fastfood na ito.

received_633716324911208.jpeg

Unti-unti dumating ang aking mga kasama kaya sinabi ko sa staff ng restaurant kung pwede i-serve na nila ang aming orders. Halatang nagugutom na rin ang aming mga kasama. Napakagandang damhin na ma share din natin sa iba ang ating mga blessings na natatanggap lalo na at malapit na ang Pasko.

received_340815814927821.jpeg

Kahit yung Japanese staff na kasama namin sa trabaho ay nagugustuhan din niya ang set meal na ito. Nakakatuwa talaga lalo na kapag wala ng rice at sisigaw ang mga kasama mo ng "rice please". Bakit nga ba naman mahihiya kasama din naman yun sa iyong binayaran. Basta`t uubusin mo lang ito, huwag mo nga lang aksayahin dahil napakamahal na ng bigas ngayon.

received_797879674778220.jpeg
Ito ang order namin para sa 23 ka tao nagkakahalaga ng 145 pesos o mahigit 10 steem bawat isa.

received_661565778640013.jpeg

Ito po ang aming bill na hahatiin naming apat as sponsors sa dinner na ito nagkahalaga ng 3,795 pesos o mahigit 282 steem. Napaka sigla po ng hapunan namin. Panalong panalo ang memories ko ngayong gabi, at may bunos pang super saya! Totoo nga talaga, ang makapag pasaya ka ng tao ay hindi mababayaran ng anumang halaga.

received_1745629982460999.jpeg

Location

Maraming salamat,
@juichi

Sort:  
 2 years ago 

happy moments with friends😊

 2 years ago 

Yes, that was one happy day.

Your article has been supported with a 50% upvote by @ripon0630 from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 7.

20220902_095909_0000.png

 2 years ago 

sisiw ra nimo ng tres mil sir heheh ang importante lipay ug busog ang mga migo ug miga.

 2 years ago 

mao jud maam..labina makita nimo ilang mga smile.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65697.93
ETH 3342.39
USDT 1.00
SBD 2.63