The Diary Game Season 3 (10-15-21) | “Walang Arte-arte,Basta’t Marangal na Trabaho,Go!(We Harvested Yellow Corn) ”( 20% of this post will set to @steemitphcurator as beneficiary)
Hi! Magandang gabi sainyo mga kapwa steemians! Kumusta naman ang araw ninyo? Sana maayos at masaya kayo.
It's very tiring day for me,you know what I did? We harvested yellow corn. Umuulan kanina at sobrang hirap magharvest. Basa ang lupa,tapos nakadapa pa yung mga mais,kokonti lang ang nakatayo. Noong una akala namin tatalon kami sa pagpitas ng mais (sorry dwarf kami haha) pero hindi pala kasi nga yuyuko kami sa pagpitas! Ang sakit sa likod hehe,(pero keri naman mga besh).
Walo kaming lahat na nagharvest. Akala ko nga sasama yung kapatid kong si @jeycel. Pero hindi siya pinayagan ni mama dahil walang magpapass ng module,pagod kasi si mama eh kaya wala ng ibang maasahan,kaya wala siyang nagawa kahit gustong gusto ni @jeycel na sumama sa paghaharvest. Pero buti nalang may mga kasama akong teenager,si Eden at MJ ang mga pinsan ko.(o diba ang sisipag!).
Heto yung picture namin haha,eto lang ata ang matino:
Tapos heto naman yung pipitasan namin,madaming nakayukong mais!
Sabi ni MJ : “Pagod na sila kaya sumuko na sila.” yung mais ang tinutukoy niya haha. Kaya kayo/tayo “Wag susuko,kahit mapagod ha.”
Tignan niyo yung mais,kapangit tignan kapag nakayuko.
Hayy lipat na nga tayo sa main topic.
Tas ayun nga pitas dito,pitas doon ang ginawa namin. Mabibilis ang mga kasama namin kaya mabilis din naman kami(medyo).
After how many hours,syempre pagod na kami kaya kailangang magpahinga muna,sakto meryenda time. Hansel and rebisco ang tinapay namin tas barako coffee (inaabangan!).
Uh! Speaking of coffee,naalala ko yung nangyari sakin kanina HAHHA lutang ako eh sorry. Nagtake-two ako ng kape tas syempre akala ko same sa una na medyo hindi na mainit,kaya ininom ko na. PERO! Late na noong narealize ko na kakarefill ko lang pala mula sa thermos! Huli na ang lahat dahil napaso na ang dila ko, pati narin sa lalamunan! Grabeh e,dirediretso yung init ng kape kanina HAHHA! (Sakit)
Mga ala-una y media na noong nag meryenda kami pang hapon,tas alas tres na noong natapos kami.
That's all for today! Maraming salamat sa pagbabasa sa aking munting chika hehez.
Wait ko yung diary mo,@jeycel. Hi ate @jenzel at tita @kenn join din kayo ohhh.
Mukhang maganda Ang harvest nyo. Farm life is not easy but I love it Lalo na pag harvest time.
Yes po,maganda din po pumuntang bukid minsan,nakakarelax sa isip hehe. Tas pahingain muna po yung utak mula sa module heheh.
Ang ganda talaga ng buhay probinsya 🥰🥰
Opoo🤗
Hello @joreneagustin!
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong Diary post. Halatang- halata na nag nag enjoy kayo sa inyong pamimitas ng mais kahit ito ay nakakapagod. :) Ingat Palagi.
For more updates, maari mong bisitahin ang post ng ating community curator @steemitphcurator.
Opo enjoy po talaga lalo na po pag may ka chika hehe
Ang sipag naman pi, sayang wala ako
Kayo nga sa second day eh. Sayang wala ako hahaa