Today's Realization: Friendship
Today's Realization
May magbabago at magbabago talaga sa barkadahan
Sa isang samahan o barkadahan, hindi mawawala ang pangako na "walang magbabago ha." Pero after few years, hindi natin maiiwasan na may magbabago at magbabago parin dahil yung iba nag ma-matured na, yung iba may kanya-kanya ng priority, at yung iba sobrang busy. D'yan na unti-unting mababawasan yung oras n'yo para sa barkadahan n'yo, para sa samahan n'yo.
But it's all part of friendship, dahil sabi nga sa kanta ng Siakol, "hindi na tayo pabata," it means tumatanda na ang bawat isa, nandyang nagiging mature na yung kilos ng bawat isa, mababawasan na yung kalokohan, yung mga panti-trip, at mga kaengengan, at kapag dumating na sa point na maging matured na ang lahat, magiging normal na lang sa inyo yung sitwasyon ng barkadahan n'yo. Parang magiging alaala na lang sa lahat.
Pero kapag dumating na yung point na nagkita-kita na ulit kayo galing sa mga busy n'yong mundo, mararamdaman n'yo ulit yung presensya ng barkadahan. Hindi man gano'ng katindi yung gagawin nyong mga kalokohan, mararamdaman n'yo padin na parang bumabalik yung dati n'yong samahan, na para bumabalik kayo sa umpisa, sa kung paano n'yo mas nakilala ang isa't-isa, at sa kung paano nabuo ang inyong barkadahan.
Kaya kung ngayon napapansin mo na parang may nagbabago na sa barkadahan n'yo, hayaan mo lang. Let them be. D'yan kasi mate-test kung sino yung magiging matatag hanggang dulo at kung sino yung magpapahalaga parin sa barkadahan n'yo pagdating ng ilang taon.