"Tunay na Kaibigan"

in #christian-trail8 years ago (edited)

Eclesiastes 4 9 12.jpg
Ecclesiastes 4:9-12

“Bestie”… “Besy”.. “bes”.. ito ang mga salitang usung-uso ngayon sa mga kabataan. Short cut para sa Ingles na terminong “best friend”. Kaya kapag “bestie” , “besy”, “bes” ang tawag sa iyo ng isang tao, ibig sabihin na ang kalooban niya sa iyo ay malapit na malapit at kadalasa’y inaaasahan niyang ganu’n ka rin sa kanya.

Pero ano ba talaga ang best friend? At saan mo siya best friend? Sa kalokohan lang ba? Sa inuman? Sa pangchi-chicks? Sa trouble, Sa tsismisan at umpukan para manira ng ibang tao? Sa utangan? Kunga kelan gipit? Saan nga ba?

Tingnan na natin ang Banal na Bibliya patungkol sa pagkakaibigan:
“Ang dalawa ay mas mabuti kaysa isa; sapagkat sila’y may mabuting gantimpala sa kanilang pagpapagod. Sapagkat kung sila’y bumagsak, ibabangon ng isa ang kanyang kasama; ngunit kahabag-habag siya na nag-iisa kapag siya’y bumagsak; at walang iba na magbabangon sa kanya. Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila, ngunit paanong maiinitan ang nag-iisa?? At bagaman ang isang tao ay maaaring magtagumpay laban sa iba, ang dalawa ay magtatagumpay laban sa isa. Ang panaling may tatlong pisi ay hindi agad napapatid.” (Eclesiastes 4:9-12)”

Ganito daw kahalaga ang isang kaibigan. Mahirap maglakbay sa buhay na ito nang walang kasama at nag-iisa. Hindi natin kaya sumagupa sa bagyo at sa pagyanig ng paligid na nag-iisa. Habang naglalakbay sa buhay may mga ibat’t ibang problema’t pagsubok na kahaharapin at kailangan ng makakaramay. Lalo ba’t mahaba-haba rin kasi ang lakbaying ito. At kung nag-iisa ka nga, papaano na kapag kinailangan mo ang tulong ng ibang tao? Eh di walang iintindi at tutulong sa iyo di ba?

O di ba ang sarap at ang gaan mabuhay kapag nagmamahal ka at maraming kaibigan ang nagmamahal sa iyo? Talagang walang kaparis ang pakiramdam at hindii matutumbasan ng salapi.

Kaya’t sana’y ang pagpapaalalang ito sa atin patungkol sa isa sa pinakamahahalagang bagay sa buhay na ito. Ang tunay na mga kaibigan ay hindi matutumbasan ng kahit na anu’ng salapi o bagay, maliban sa Diyos mismo. Ang mga ari-arian ay puwedeng maglaho, ang mga pangarap ay puwedeng gumuho. Pero kung may tapat kang kaibigang nasa tabi mo sa mga oras na iyon, lalakas ka’t makukuha mong manatiling nakatayo sa gitna ng mga kalamidad ng buhay.

“May mga kaibigang nagkukunwaring kaibigan, ngunit may kaibigan na mas madikit kaysa isang kapatid” (Kawikaan 18:24).”

God Bless Everyone! Only by God’s Amazing Grace!

Written and created by @jhunbaniqued
Quoted Bible Verse - Ecclesiastes 4:9-12

Sort:  

Mapapatunayan mo lang na isa siyang totoong kaibigan pag nanatili sya sa tabi mo sa oras ng kagipitan. tutulungan ka niyang makabangon at nagpapasalamat ako kasi meron akong mga kaibigan na totoo at alam kong andyan sa oras na nangailangan ako ng tulong. great post sir! upvoted!

Tama bro agree ako jan sa post mo.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.101
BTC 63898.75
ETH 1811.35
USDT 1.00
SBD 0.38