ANGATZ #TangkilikinAngSarilingAtin#Philippines

in #poetry7 years ago (edited)

Hanggang kailan ako magdurusa,
Iparinig mo oh aking sinta,
Masaya bang ako'y pagkatuwaan?
Trato mo saki'y isang laruan,

Iniibig kita ! OO walang duda !
Totoo aking nararamdaman sa'yo twina,
Kahit sabihin mo mang di tayo bagay,
Di magdadalawang isip na puso ko'y sayo ibigay,

Sadyang magkaiba ang ating mundo,
Mayaman ka at lang mahirap ako,
Ngunit kahit na ako'y iyong pagtawanan,
Heto pa rin akong handang lumaban,

Lalaban kahit walang kabuluhan,
Lalaban kahit pinaglalaruan,
Lalaban kahit pinapaikot mo lang,
Pagkat ika'y tunay na iniibig oh aking hirang.

source

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64252.58
ETH 3398.15
USDT 1.00
SBD 2.50