Polusyon
Napapansin mo ba?
Kapaligiran ay unti-unting nalalanta,
Hangin ay sobrang dumi,
Mga ilog at dagat basura'y kay dami,
Tapon dito tapon doon,
Nagkalat na basura saan man lumingon,
Kay baho't nilalangaw na sa daan,
Kaya ang mga sakit biglang nagsilabasan,
Sino ngayon ang nagdusa?
Sa kapabayaan nang bawat isa,
Ang lahat ay bumalik din sa atin,
Pagkat kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin,
Hindi pa naman huli ang lahat,
Habang maaga pa sana tayo'y mamulat,
Nang wala tayong pagsisihan,
Pagkat di na maibabalik pa ang mali ng nakaraan.

Upvoted maraming salamat sa pag share..ipag patuloy
Salamat bro :)