bigo

in #poetry7 years ago

Pasko'y sumapit na pala,
Di ko man lang napuna,
Lasing kasi buong maghapon,
Pagkat pilit akong bumabangon,

Bumangon galing sa pagkakalugmok,
Itong puso ko na iyong tinusok,
At ngayong ito ay nagdurugo,
Dahil ikaw ay biglang sumuko,

Sabi mo pa noon di mo ako iiwan,
Na itutuloy natin ang laban,
Ngunit sadyang nakalimutan mo yata,
Ang pangako mong pinako sa tala,

Kung san ka man ako'y magpapasalamat,
Na ang puso ko ay iyong winasak,
Wag kang mag alala't di ko malilimutan,
Ang ginawa mo sa akin nong ako'y iniwan.

source

Sort:  

Upvoted kapatid

salamat kapatid :)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67024.68
ETH 3312.25
USDT 1.00
SBD 2.74