Bibitaw Na, Bitaw Na
image source
Bitaw Na, hinto na, tama na, tigil na.
Alam kong masakit, alam kong mahirap
Pero para sa sarili at pangarap, Bibitaw Na at hayaang bumitaw na.
Salamat sa mga panahong ating pinagsaluhan.
Mga ala-alang ating binuo. Salamat.
Nandiyan ka kapag ika’y kailangan.
Naging sandalan at kapitan ang isa’t-isa.
Salamat. Ngunit ako’y bibitaw na.
Pangako ‘yan at totoo.
Matatamis at masasarap na mga salita.
Ngunit sa bawat araw na magdaan,
Natuto akong huwag maniwala sa mga ito.
Dahil alam kong ito’y pawang mga kasinungalingan lamang.
Ngunit, may isang bahagi parin sa akin ang nagsasabing maniwala ako.
Pero ayoko na.
Mas pipiliin kong huwag na lamang maniwala.
Napakarami pala, siguro, ata?
Sabi mo ganyan kana kase.
Talo ang maniniwala sa’yo dahil ganyan ka na talaga.
Sa pagitan ng tama at mali naging tama ang lahat.
Tama ka! Hindi nga kita lubos na kilala
Hindi kita lubos na mabasa at maipinta
Ngunit mahal! Patawad kong mas pinili kong magpatuloy sa mali.
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.