Diary Game Season 3 || ( 11-30-21) || #club5050 ||Vaccination for Minors

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20211130_115530.jpg
Magandang Araw sa lahat kung kababayan at sa lahat ng mga nandito sa Steemit Philippines. Sanay nasa mabuting kalagayan ang lahat.

Nandito na naman po ako, sharing my diary for today... November 30, 2021 Andres Bonifacio Day.

My day starts at 6am in the morning...maaga pa lang gising na ang aking panganay na anak unlike others days na alas 8 tulog pa 🤭.. Naka schedule kasi ngayon ang kanyang pagpapabakuna. Kasama niya ang kanyang mga kaibagan. Nauna na sila sa vaccination site kasi kailangan pa nilang pumila doon. Mga 6:45 umalis na sila ng bahay patungong vaccination site. Ako naman ay nag mamadali din sa aking mga gawaing bahay kailangan ko rin kasing pumunta doon dahil hindi pwedeng bakunahan ang mga minor ni edad ng walang kasamang magulang. Kailangan ko pang pakainin ng almusal ang dalawa ko pang anak at siguraduhing tapos na sila maligo.
Around 8am nag chat na ang aking anak na malapit na daw sila sa gate nakapila at hindi pwedeng pumasok kung walang parents. So nagmamadali ako at buti naman ay dumating na ang aking asawa inihatid nya ako doon sa site. Mga 15 minutes nakarating na kami sa site hindi ko kaagad nakita ang aking anak sa dami ng tao na nakapila doon. Umalis na din ang aking asawa dahil kailangan pa niyang samahan ang mga bata sa bahay. Maya maya nakita ko na rin ang aking anak kinailangan pa nyang kumaway para makita ko siya. Nag hintay pa kami ng ilang sandali bago nakapasok sa gate. By the way, sa Saint Joseph School Mactan pala ang vaccination site na aming pinuntahan.

IMG_20211130_095248.jpg

IMG_20211130_095300.jpg

Pag dating namin sa loob ng school another pila na naman patungong sa first step ng pababakuna.

Fist step po yung pagkuha ng information sa magpapabakuna like name, address, age at iba pa. Pangalawa, ang pagkuha ng timbang at blood pressure, then pangatlo ang screening wherein tatanungin ka about medical history at iba pa, at sunod na ang pag bakuna kung walang naging problema sa iyong screening at previous steps.
IMG_20211130_101858.jpg

IMG_20211130_105527.jpg
Sa wakas, nabakunahan na rin ang aking anak.
Pagkatapos sa bakuna kailangan pa ng another step wherein kukunan ka ulit ng blood pressure for monitoring.
IMG_20211130_110159.jpg

IMG_20211130_110435.jpg

Last step na po ito kaya lang medyo na tagalan kami dito dahil muntik ng hinimatay ang kaibigan ng anak ko na kasunod lang niya sa pila.. sabi ng kanyang kaibigan parang nahihirapan syang huminga kaya na takot kami dinala siya sa likod at maputlang maputla kaagad Naman siyang inasikaso ng mga health workers doon. Umiyak na ang ina ng kanyang kaibigan. Hindi Naman iniwan ng aking anak ang kanyang kaibigan hanggat di ito nagkamalay muli.

IMG_20211130_112839.jpg

Mga 11:30 na ng makalabas kami ng vaccination site at umuwi sa bahay. Salamat sa Lord dahil walang naging problema ang aking anak sa kanyang pagpapabakuna at ang kanyang kaibigan ay okay na din. Nakauwi na sa kanila ng maayos gayon din kami.

Hanggang dito nalang muna ang aking kwento. Salamat sa paglalaan ng oras sa pagbasa. God bless us all.

Always,
@jenniferocco

20% set as beneficiary to @steemitphcurator

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64222.08
ETH 3135.29
USDT 1.00
SBD 3.99