Diary Game Season 3| October 7, 2021| Ang Pagpunta Ko Sa Aming Plaza

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa inyong lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines. Lubos ang aking kaligayahan dahil unti-unti na tayong dumami dito sa ating komunidad at maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating komunidad, ang @steemitphilippines.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pagpunta sa aming public plaza upang makapaglibang ang aking sarili. Tara samahan nyo ako sa aking paglilibot dito sa aming munting lugar.


Eto ang aming barangay hall dito sa Barangay Poblacion Manticao. Dahil sa patuloy pang pag construct sa lugar kaya hindi pinayagan ang mga taong makapasok sa lugar at napapalibutan ng mga karatula na nagsasabing under construction pa.

Masaya naman ako dahil sa wakas may bago at modernong Barangay Hall na kami dito. Maganda at kaakit-akit tingnan dahil sa modernong pagkakagawa nito.


Ito ang daan papunta ng Purok 14, kong saan makikita ang mga ibat-ibang maliliit na bangka at doon din pumupunta ang mga tao upang pagmasdan ang ganda ng paglubog ng araw. Ang makikita sa aking short video ay simbahan ng Iglesia Filipina Independiente at ang tapat nito ay ang rebolto ni Andres Bonifacio.

Sa unahang bahagi ng plaza ay makikita din ang rebolto ni Dr. Jose Rizal, marami din ang pumunta dito upang makapagmuni-muni sa sarili, magkakaibigan, magkakapamilya at mga nagmamahalan.


Ang ang ipinagmamalaki namin dito, ang Manticao Fountain. Ginagamit ito kapag may selebrasyon at mga programa ng lokal na Pamahalaan ng Manticao. Pero sa ngayon ay hindi muna ito pinapaandar dahil wala namang programa at mga akitibidades dahil sa Pandemya.

Marami rin ang pumupunta dito upang kumuha ng letrato lalo na noong umaandar pa ito. May mga umuupo din sa gilid ng fountain, nagkekwentohan, nagtatawanan at minsan kumakain.


Ito ang pathways papunta sa aming hospital dito sa Manticao. Makikita sa video ang malaking hospital namin. Naging moderno na rin ito dahil binago ito noong nakaraang taon. Malawak ang sakop ng naturang hospital at kayang makapagpasok ng maraming pasyente. Sa ngayon, ang Hospital na ito ay nagsisilbing covid fascilities dito sa aming lugar.


Hindi kompleto ang aking paglalakbay kong walang kaunting kain. Habang naglalakad ako papunta sa palengke ay tinawag ako ng kaya lumingon ako kong sino ang tumawag sa akin, at laking gulat ko dahil ang kaklase ko pala sa college na nagtitinda ng barbeque. Kaya nagkukumustahan kami at bumili ako sa kanya ng mga paninda niya at habang naghihintay na maluto ay nagkekwentohan at nagkukumustahan kami.

Kahit maikli lang na oras ay masaya at nakapag-enjoy naman ako kanina. Isa rin iting paraan para maibsan ang lungkot at bigat ng damdamin na dinaranas ko ngayon.

Bago ko tapusin ang diary ko para sa gabing ito ay malugod kong ibabahagi ang 20% na payout mula sa post kong ito.

Maraming salamat sa pagbasa at mahandang gabi sa ating lahat.

Mabuhay Steemit Philippines

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Ganda ng plaza nyo del..

 3 years ago 

Yes ate, 😊 salamat sa pagbisita sa aking munting post. Godbless you 😊

 3 years ago 

Ang nice ng plaza nyu kuya @jb123 nakakatuwa kc noon nsa cebu kame meron din barangay poblacion ang name. Tpos meron din dto sa bataan same din barangay poblacion. Then dyan din sayo hehehe.

Love the barbecue!

 3 years ago 

Madami palang pangalan ate 😊 salamat sa pagbisita sa aking post. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54147.93
ETH 2274.31
USDT 1.00
SBD 2.35