Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| December 20, 2022|| "Pasigaan Sa Manticao 2022"steemCreated with Sketch.

in Steemit Philippines2 years ago


Pasigaan Sa Manticao 2022 Video

By: @jb123

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat mga kaibigan. Kapag sasapit ang kapaskohan, kaliwa't kanan talaga na makikita ang mga naglalakihan at nagagandahang mga Christmas lights at Christmas tree. Ngayon gabi ay ibabahagi ko sa inyo ang mga kaganapan at mga nagkakaiba at nagagandahang mga Christmas tree at Christmas lights na makikita sa Plaza ng Manticao, Misamis Oriental. Para makita nyo talaga ang kabuuan ng lugar ay minabuti na gawan ko ng video ito pati na ang mga kumuti-kutitap na mga ilaw. Kinaugalian na talaga ng Lokal na Pamahalaan ng Manticao ang magkaroon ng ganitong uri ng programa, nakakatulong din ito para mas maging popular ang aming lungsod at bigay daan sa pagdiwang kapaskohan.


🎄🎄🎄🎄

Inanyayahan din ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng Barangay sa naturang lungsod ang pagsali sa programa sa pamamagitan ng paggawa ng dekorasyon sa Public plaza. Dahil ang tema sa panahong ito ay ang Belen o sabsaban kong saan ipinanganak ang Panginoon kaya ito ang ginagawa nila sa sariling desenyo at materyales. Kadalasan gawa sa mga scrap o endigenous materials, isa rin ito kasi sa magpapataas ng puntos dahil ang aktibidades na ito ay matatawag na patimpalak. Makikita sa Naturang video na gawa ko ang ibat-ibang desenyo ng Belen at mga nagagandahan at nalalakihang mga parol kasama na ang mga makukulay na mga Christmas lights.


⛄⛄⛄⛄

Ang lungsod ng Manticao ay may 13 na Barangay at ito ay ang mga sumusunod;
  • Barangay Upper Malubog
  • Barangay Digkilaan
  • Barangay Toud
  • Barangay Camanga
  • Barangay Argayoso
  • Barangay Paniangan
  • Barangay Pagawan
  • Barangay Mahayahay
  • Barangay Poblacion
  • Barangay Patag
  • Barangay Punta Silum
  • Barangay Balintad
  • Barangay Cabalantian
Ang lahat ng ito ay sumabay sa isinasagawang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Manticao. Lubos naman ang tuwa ng aming Alkalde na ang lahat ay nagkaisa para maisakatuparan ang programang ito.


🎁🎁🎁🎁

Hindi lang ang mga Belen o sabsaban ang maganda dito, kasama na rin ang iba pang mga palamuti sa naturang Lugar gaya ng malaking bilog na napapalibutan ng mga makukulay na mga ilaw, higanteng hugis regalo , matataas na Christmas tree, makukulay na fountain at malalaking mga bituin. Ang lahat ng ito ay nakapagbigay din ng kagandahan sa lugar at maraming mga tao ang nagsisipunta dito para kumuha ng letrato. Aliw na aliw din ang mga bata na patakbo-takbo sa lugar at pasilip-silip sa mga dekorasyon sa Plaza.


🎆🎆🎆🎆

Hindi rin mawawala pagkatapos ng programa ang napakaganda at makukulay na fireworks. Makikita sa aking video ang fireworks at pinaghandaan talaga ito ng aming lokal na Pamahalaan. Kinaugalian talaga na talaga nating mga Pilipino na magkaroon ng fireworks kapag patapos na ang napakalaking programa lalo na at isa sa isang taong lang ipinagdiriwang ang pasigaan sa Manticao.

image.png

Kay gandang puntahan ang ganitong uri ng lugar, makakakitavtayo ng mga ibat-ibang uri ng desenyo ng mga belen kasama na ang magandang pagkakagawa ng mga ito. Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, nanay @olivia08 at ate @amayphin at ang 25% ng payout ng post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Kanindot ba sa pasigaan sa manticao uy

 2 years ago 

Yes. Ge planohan gyud ni pag ayo sa amo Local Government. 😊😊

 2 years ago 

Maaju kaayu..nindot congrats 👏 bibo kaayu inyuha Christmas dira bah ehehe

 2 years ago 

Thank you . Oo bibo gyud. 😊😊

 2 years ago 

Ganda! Maayong Pasko Del!

 2 years ago 

Salamat ate, Maayung pasko pud te. 😊😊

 2 years ago 

Wow napaka Ganda Naman po dyan kuys @jb123 ramdam na ramdam Ang spirit Ng Christmas.

 2 years ago 

Opo, salamat po sa pagbisita sa aking post.

 2 years ago 
Evaluation date: Dec. 22, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Bot free
At least 300 words
#burnsteem25

Thank you for sharing quality content here at Steemit Philippines Community.

 2 years ago 

Thank you for evaluating my post ate.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 94692.02
ETH 3236.92
USDT 1.00
SBD 3.29