Burnsteem25|| Club5050||The Diary Game Season 3|| December 8, 2022|| "Nature Traveling"

in Steemit Philippineslast year

IMG20221208084408_00.jpg

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat..
Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang iilan sa mga magagandang tanawin at magagandang mga halaman na makikita dito sa aming lugar. Kahapon ay nagpasya akong pumunta sa lote namin dito sa Barangay Punta Silum sa Lungsod ng Manticao, Misamis Oriental. Matagal na itong hindi nalilinisan ang lugar at hindi rin mapagtuunan ng pansin dahil sa naging abalang-abala sa ibang bagay o gawain. Tara, samahan nyo akong maglibot sa naturang lugar para makita nyo rin kong ano ang mga magagandang halaman ang makikita dito.

IMG20221208084413_00.jpg

Ito ang kahoy ng karot, hinayaan nalang namin itong tumubo dito para makapagbigay lilim sa lugar, dito rin kasi kami nagpapahinga mga 2 buwan na ang nakalipas. Pagdating ko dito ay ito na ang hitsura ng aming lote, nagtataasang mga damong ligaw at halos bumabalot na sa puno ng kahoy. Ang kahoy na ito ay hindi maganda sa mwebles o mga panggamit sa bahay kundi hanggang sa panggatong lang ito. Mahigit 75 years na daw itong nakatubo dito ayun sa aking lola.

IMG20221208084446_00.jpg

Mga kakaibang bunga rin ang nakikita ko dito gaya nitong bunga na kong tawagin namin ay bangkuro. Ang iba na nakakaalam kong saan gagamitin ito ay medisina daw ito para sa mga sakit sa kasukasuan at mga pilay. Nakakawala daw din ito ng kabag at marami pang ibang minor na mga karamdaman. Kakaiba ang mga bunga nito dahil parang may umbok-umbok sa bahagi nito na parang mga may maliliit na mga mata.

IMG20221208084354_00.jpg

Ito naman ang tinatawag naming dulce Maria. Ayun sa iba, nakakain daw ang hinog nito pero dahil hindi namin kabisado ang bungang ito ay minabuting nalang na hindi kainin. Gumagaoang ang uri ng halamang ito at nakikita ito sa mga malalamig na lugar gaya ng sa ilalim ng kahoy, damuhan,mga malalaking bato. Dahil nakakasira at namamatay ang mga halamang makakapitan nito ay inaalis namin ito para hindi makapitan ang mga pananim namin.

IMG20221208084530_00.jpg

Siguro alam ng mga taga probinsya kong anong uri ng bulaklak ito. Tama. Isa itong bulaklak na kong tawagin ay hagonoy. Ang halamang ito ay ginagamit rin sa herbal na bagay dahil ito ang nilalaga namin at ang katas nito ay ginagawang panglinis ng sugat. Nakakawala rin ito sa mga dugo na dadaloy sa mga sugat. Pero dahil madaling tumubo ito at madaling dumami ay inaalis din namin ito para hindi makapaminsala sa mga pananim.

Ito naman ang iilan sa mga ligaw na mga bulaklak na makikita dito sa aming lugar. Kapag nakakita ako ng mga magagandang tanawin o mga magagandang halaman dito sa aming lugar ay kaagad ko itong kukunan ng letrato. Kahit mga ligaw na bulaklak ang mga ito ay napakaganda pa rin sa mata dahil sa hugis at kulay nito.
Kapag nagkaroon tayo ng magaganda at nakakarelax na lugar ay matatamasa natin ang tahimik at payapa na pag-iisip. Nagpapasalamat naman ako dahil sa pagkakaroon namin ng ganitong uri ng lugar.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, nanay @olivia08 at @jessmcwhite para sa isang talaarawan dito sa steemit at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
DetailsRemarks
LocationBarangay Punta Silum Manticao, Misamis Oriental
Time8 AM
DateDecember 7, 2022
CapturedOppoa12e


Facebook page:
My Link

Sort:  
 last year 

Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.

Date verified: December 08, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050 status
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.

 last year 

Thank you for evaluating my post ate..

 last year 
Congratulations!

This post has been recommended for booming support today.
Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Maraming salamat po.🙂

@fabio2614
Visayas Mod

 last year 

Thank you very much..

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 last year 

Thank you very much..

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 67489.61
ETH 3762.16
USDT 1.00
SBD 3.56