Ang Dakila kong AMA!
Ang tulang ito ay aking likha at hinahandog ko sa aking mapagmahal na ama...
Ang aking ama ay tunay na tapat at dakila,
Mula pagkabata ay sadyang masipag na.
Sa edad na walo ay maagang natuto at nagbanat ng buto,
Mahirap man na trabaho, siya’y hindi sumuko.
Naging padre de pamilya sa napakamurang edad,
At ito ang nagtulak upang siya ay lalong magsikap.
Ibinuhos ang lahat sa pagtaguyod ng pitong anak,
Upang mabigyan ng maayos na buhay at edukasyong sapat.
Nagturo ng magandang asal at paninindigan sa buhay,
Tapat na pakikitungo sa kapwa ang lagi niyang patunay.
Kasipagan, katalinuhan at mapakumbabang ugali,
Iyan ang mga katangian niyang kami ang tunay na saksi.
Ito ang aking ama at siya’y isang malaking biyaya,
Na nagmula sa ating Diyos na siyang mapagpala.
Ngayon na ikaw ay walongpu’t dalawang taon na ama,
Ang tanging kong panalangin para sa iyo ay walang iba,
Kundi maayos na kalusugan at buhay na mas mahaba.
Pagpalain ka pa ng Maykapal, o dakila kong ama!
~~~~~~~~<<<<<>>>>>>~~~~~~~~~
Maraming salamat po sa pagdalaw!
Pagpalain kayo ng Maykapal!
♥️@jap60
Mon 18 Jun 2018
Thank you @sunnylfe.
Please continue to support the very selfless @surpassinggoogle as a witness, by voting for him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
(Image credit to @bloghound)
(Image credit to @jhunbaniqued)
Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.
Happy Father's Day po, tay <3
This comment was made from https://ulogs.org
Makakarating, ading. Salamat😊
Happy Father's day po.
Thank you fherdz. Happy father’s day too!
Happy Father's day ate, ang ganda ng tula :-)
Thank you Shie. Balbalinen man.