Tula para sa aking Minamahal.

in #poem6 years ago

IMG_3362.JPG

Akoy bilanggo sa iyong gandang nakakabaliw
himig at alindog sayo akoy nababaliw
taglay mong kabutihan di mapapantayan
mayor si Nadine at Kathryn ay magpatayan

akoy nabihag sa iyong tingin at mga mata
nais hagkan ang matamis mong baba
sa oras ng kalungkutan nais kang hagkan
upang iyong mabatid ang matagal ko ng nararamdaman

sa madaling salita, oo mahal na kita
aking nararamdaman nais na iyong makita
ngunit ikay sadyang manhid,
kung kayay pag ibig koy di mo nabatid

aaminin ko, akoy di perpekto
kayat desisyon mo ay aking nirerespeto
hindi naman kita pipilitin
kung akoy di mo kayang gustuhin

ngunit wala namang masama kung aking susubukan
na ang matamis mong Oo, nais makamtan
hindi mapapangakong hindi ka iiyak
ngunit sisiguraduhin kong ikaw ay labis na magagalak

sanay iyong mabatid at malaman na sa puso ko ikaw lamang ang laman
bigyang pag asa aking nararamdaman
at ikaw ay mahalin sa oras na ikaw ay aking makamtam.

IMG_3078.JPG

Sort:  

You were featured on the #29 edition of steemitfamilyph's featured posts. Congratulations!

https://steemit.com/steemitfamilyph/@steemitfamilyph/daily-steemit-family-ph-featured-posts-29

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 61839.57
ETH 3411.37
USDT 1.00
SBD 2.52