"Ang tulang ito ay para sa babaing minahal ako."

in #poetry6 years ago (edited)

IMG_3024.JPG

Ang tulang ito ay para sa babaing minahal ako.
Sa babaing walang ibang ginawa kundi mahalin ako.
Sa babaing nagpatibok muli sa puso kong unting-unting nagiging bato.
Sa babaing handang isakripisyo ang tulog niya para lang makausap ako.
Sa babaing sinayang ko.
Para sa babaing sinaktan ko.

Ginawa nating araw ang gabi sinta.
Sa simple pero nakakakilig mong salita
Tinuruan mo akong ibigin ka.
Hindi ko makalimutan ang araw na una kang nagmalasakit sa akin,
Labis kang nagagalit kapag di kita pinapansin pero nandyan ka parin
at handa akong unawain at mahalin.

Dumating na ang araw.
Ang araw na napagod ka at handa nang bumitaw.
Hanggang dito nalang ba?
Hindi ko lubos maisip na hahantong tayo sa ganito.
Labis akong naging kampante na hindi mo ako iiwan at hindi ka magbabago.
Inabuso at inubos ko ang pasensya mo.
Ngayon, nandito ako nakatulala at nagbabakasakaling balikan mo.

Bago ka lumisan, nais kong malaman mo.
Mahal na mahal kita at hindi iyon magbabago.
Bago ka lumisan, nais kong sabihin sa iyo
Na kahit dumaan ang ilang bagyo, ikaw at ikaw parin ang iibigin ko.
Bago ka lumisan, nais kong lumuhod sa harapan mo.
Magmamakaawang wag mo nalang akong iwan at ako nalang muli ang ibigin mo.

IMG_3078.JPG

Sort:  

Beautiful poem:)

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!

I always believe in your talent dong @jackienlee... keep on steeming... followed and upvoted xoxo

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63570.02
ETH 3400.95
USDT 1.00
SBD 2.56