"Akoy nangangamba akoy nababahala"

in #poem6 years ago (edited)

IMG_3688.PNG

Ako'y nangangamba
Ako'y nababahala
Sa nararamdaman kong
Di kapani paniwala

Ng ikaw ay unang masulyapan
Mga planeta'y biglang nagsalpukan
Kakaibang kabog ang naranasan
Kakaibang alindog ang naramdaman

Akala ko'y hanggang d'on laung
Ngunit pintig ng pusoy di na mabilang
Ako'y napamahal sa isang estranghero
Na kakaiba kagaya mo

Kaya ika'y aking nilapitan
Linigawan, pinagsilbihan
Di kalaunay
Ikay napasakamay

Tayoy naging masaya
Tunay na naging maligaya
Para bang pagmamahalan
Na di mapantayan nino man

Mabilis tumakbo ang mundo
Na para bang ikaw kung magbago
Minahal kitang tunay,
Hanggang sa nakita ang yong tunay na kulay

Naging masidhi ang ating pagsasama
Away, bati na parang tunay na mag asawa
Nakasanayang manlinlang at manloko,
Hanggang sa ako'y naging loko-loko

Nakita kang may kasamang iba
Ngunit sa una ako'y nangamba
Natatakot, nalulungkot
Di nagtagal ako'y nabagot

Sinabihan kita
Na ikaw ay aking nakita
Sa kabilang dako
Di ako lumayo

Ngunit ako ang naging masama
Na parang ako ang may nagawa
Ako ay iyong pinagalitan
Na para bang batang nakabasag ng pinggan

Ikaw ay lumayo
Iniwan mo ako
Ikay di masisi
Tanga ko lang kasi

Ako'y umiiyak, nalulumbay
Magisa sa buhay na walang kabuhay-buhay
Tinatanong ang sarili
Bakit?

Bakit ikaw pa?
Bakit pinagpalit mo ako sa iba?
Ako ba ay nagkulang?
O ako'y sadyang bobo't lulang-lulang

Ikaw ay minahal kong tunay
Minahal ko ng boung buhay
Ngunit ikaw ang naging dahilan
Sa labis kong kalungkutan

Ako ngayon ay nabilanggo
Sa pagmamahal na di naman totoo
Susubukang tumayo at magbago
Sa buhay kong nakakapanibago

Ako'y nagkamali
Sa desisyon at pagpili
Ika'y aking kakalimutan
Hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63887.77
ETH 3417.79
USDT 1.00
SBD 2.56