MASTER YOUR MONEY
Luke 16:11says:
If you are untrustworthy about worldly wealth, who will trust you with the true riches of heaven?
Ang financial friction and uncertainties ay kasama sa frequent stressors at nakakasira ng relationships. Hindi ito laging dahil sa kakulangan ng kita ng mga tao para mabili ang basic needs nila. Bilang isang certified public accountant, nao-observe ko na hindi mareconcile ng mga tao abf yearnings nila sa earnings nila. Sang-ayon dito ang aking matipid na ama. Biro niya,
"Alam mo ba ang pinakamabisang paraan para i-manage ang pera mo? Sto wanting!
Makikitang totoo ito kung titingnan ang bilyong utang ng mga tao sa US. Walang tigil gumastos ang mga tao, at in denial sila tungkol sa tunay na financial status nila. Nabalitaan kong may mga tao na sa sobrang pagkakabaon nila sa utang, pagdating ng sobreng naglalaman ng bills nila, hindi na ito binubuksan- tinatapon na lang ito sa basurahan.
Base sa aking professional experience, nais kong mag-share ng ilang guidelines para ma-minimize ang financial stress mo:
GUIDELINES TO MINIMIZE FINANCIAL STRESS
- Gamitin mo ang pera ayon sa priority ng Diyos. Una, ibigay mo sa Kanya ang 10% ng kita.
- Mag-pray bago ka bumili ng anumang bagay. Tanungin sa sarili, "Need ba ito or want?".
- Balansehin ang gastusin sa iyong kita.
- Pag-usapan ninyo ng asawa mo ang house budget at ganundin ang inyong short-term at long-term goals. Huwag itago o i-miscommunicate ang kahit anumang informatiom tungkol sa finances n'yo.
- Commit to being excellent at work- nang hindi naman sosobra sa oras.
- Pay all consumer debts (except real estate). Keep one credit card bilang ID.
- Magsave monthly (10% minimum kung bayad ang kahat ng consumer debts).
- Huwag mag-cosign ng loan para kaninuman. Huwag ipahiram sa kamag-anak o kaibigan ang perang 'di mo ma-afford na mawala.
- Magbayad ng cash para sa lahat ng "desires" mo. Huwag i-charge sa credit card.
- Laging mag-allocate sa budget para sa recreation and vacation.
- Kapag may natanggap kang raise, huwag magbago ng lifestyle. Tey living beneath your means.
- Magreserba ng cash para sa emergency- at least two months ng living expenses (six months is excellent).
- Maging kuntento sa meron ka. Quit striving for more. Paalala sa Ecclesiastes 5:10 (NIV):
" Whoever loves money never has money enough; whoever loves wealth is never satisfied with his income."
Kapag alam mong hinahawakan mo ang pera mo according to God's way, pwede kang mag-relax at i-expect na makikita mong gagawa sa buhay mo ang Diyos.
"Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pananalanging may kasamang pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus." Filipos 4:6-7, MBB
At yan lang po mga anak ng Diyos! Naway tayo ay magtiwala sa lahat ng plano ng Diyos sa ating buhay pagkat ang plano ng Diyos ay mas maganda pa sa plano natin para sa ating buhay.
Salamat sa pagtangkilik sa artikulong ito. God bless us all!
Ang artikulong ito ay galing kay
Sister Deborah Smith Pegues
Hanggang sa susunod,
IVAN






Well said van
Hehe! Thanks.
Thanks for sharing po.
To God be the Glory!