"Wag Iba, Ako Nalang"

in #teardrops6 years ago

image

Inaamin ko,
Hindi ako gwapo
Hindi ako pangrampang nobyo
Wala akong pera na panlibre sa'yo
At mas lalong wala ako ng mga katangiang hinahanap mo
Pero sana malaman mo,
Na marunong akong rumespeto
Alam ko kung paano ba dapat maging nobyo
Tatratuhin kita na parang prinsesa ko
Hindi ko hahayang may tumulong luha galing diyan sa mga mata mo
At hinding-hindi kita ikakama hanggang wala pang singsing yang kamay mo.
Pinapangako ko sa'yo
Na katulad ng aking kilay
Ang relasyon natin ay hinding hindi maghihiwalay.
Kasi oo! Kapwa magkadikit sila
Sana ganyan din ang landas nating dalawa.
Kaya aanhin mo ang lalaking sobrang gwapo?
Aanhin mo ang lalaking may mamahaling auto
Kung ang nais lang naman ay matikman ang katawan mo matapos makuha ang matamis mong oo.
Gusto ko lang ding sabihin na hindi ako nagmamalinis
Mga ibang lalaki wag sana'y mainis
Dahil gusto ko lang naman sagipin
Ang mga babaeng iniwan matapos paluhain.
Para sa babaeng iniwanan, sinaktan at pinagpalit sa iba
Maniwala ka, kapag sa akin ka napunta
Lumuha ka man, dahil yun sa pagiging masaya
Mahirapan ka man, nandito ako upang alalayan ka
At kapag palapit na ang araw na susuko ka na, ipapaalala ko lang sa'yo kung paano ba tayo nag-umpisa.
Mahal, minamahal at mamahalin kita
Sa hirap man o sa ginhawa
Gagawin ko ang lahat mapanatili ka lang na masaya
Kapag nagugutom ka'y ipagluluto kita
Kapag may dalaw ka'y pagsisilbihan kita
At kapag pagod ka na, tatabihan kita upang sa bisig ko ay maginhawa kang makapagpahinga.
Ayokong nakikitang lumuluha ka
Kaya sana, kung iibig ka naman din lang
Wag na sa iba, ako na lang.
Pakiusap ako na lang.

Photo Source: Pixabay


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image
image

Sort:  

kaya nga hindi lahat nang lalaki manloloko diba bro hehe hindi lahat nang gwapo manloloko at hindi rin lahat nang pangit ay manloloko lol

Tama bro hahhaa

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63750.99
ETH 3130.22
USDT 1.00
SBD 3.95