"Pipilitin ko"

in #teardrops8 years ago

image

Sabi nila ayos lang ako.
Pero alam ko hindi, hindi ako ito.
Sabi nila, ngumiti lang ako.
Pero paano?
Kung sa bawat ngiti ko,
kumikirot ang puso ko.
Sabi nila, “ Tawanan mo na lang 'yan.”
Tutal, lilipas din daw naman.
Pero hindi, wala silang nalalaman.
Hindi nila alam na araw-araw,
bumabalik ang sakit.
Kahit tiisin sadyang nananakit.
Minsan pa'y hindi na makahinga,
para bang ang leeg ay napuluputan
ng lubid upang ako'y manghina.
Pakiramdam ko'y nakaposas ang aking kamay,
hindi ko maintindihan, ni hindi ko na gamay.
“ Bakit?” Tanong ng aking isip.
Bakit lagi na lang may masakit?
Bakit parang may kulang na hindi
ko mawari at masambit?
Bakit laging lumuluha?
Bakit parating nanghihina?
Isip ko'y napuno ng katananungan,
Kalooban ay napuno ng kalungkutan.
Mata'y puro luhang dulot ng sakit
Mga labing hindi na alam ang dapat na isambit.
Pawang nawalan ng pakiramdam.
Walang masambit, hindi ko na alam.
Lahat ng tanong ay unti-unting nasagot,
Nang dinala sa ospital, doktor ay nagbigay pahintulot.
Sambit nito'y kailangan ko nang magbalot,
sapagkat mukhang magtatagal ang aking nararamdamang sigalot.
Tumagal sa lugar kung saan mga
tao'y dama ang sakit at kahirapan.
May ibang nakahimlay na iniiyakan ng ilan.
Na para bang ang mga ito ay
malapit ng mawalan ng buhay at
maubusan.
Na ang sakit ay hindi na kailanman maiibsan.
Labi ko'y lalong namutla.
Ramdam kong ako'y nanghihina
Nadidinig ko ang kanilang hikbi,
Habang paunti-unting humihinga mula sa aking labi.
Habang unti-unting nagsasara ang talukap ng mata,
Sa huling pagkakataon, narinig ko sila.
Narinig ko ang kanilang salita,
na sinasabing,
“ Ayos lang, magpahinga ka na.”
Ako'y napangiti.
Ramdam ko ang galak sa aking kalooban.
Na para bang ang sakit ay unti-unting naibsan,
Dumampi ang liwanag sa aking katawan,
Unti-unti, naramdaman kong ako'y kinukuha na ng kalangitan.

Photo Source: Google


Thanks for always supporting to @hr1 @beanz @enginewitty @bayanihan and many more

Very thankful to @iwrite for mentoring us also to @purpledaisy57 @antonette @bobiecayao and to SteemIt Diversify Family especially to @surpassinggoogle for the nonstop support

image
image

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.099
BTC 62732.13
ETH 1779.93
USDT 1.00
SBD 0.38