Kagandahan at Benepisyo ng pagiging isang hukom or arbiter sa mga kaso sa Kleros na plataporma: Papaano maging isang hukom sa Kleros at papaano kumita dito.

in #pilipinas4 years ago (edited)

image.png

Magandang araw sainyo mga kababayan ko na Pilipino. Narito ako upang magbahagi ng aking nalalaman tungkol sa isang plataporma kung saan kahit na hindi kayo isang abugado o paralegal na tao, ay maaari kang makalahok sa paghuhukom sa mga kaso hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo. Ipinakikilala ko sainyo ang Kleros. Itong proyekto na ito ay may layunin na padaliin ang paghuhukom o pag aarbitraryo sa isang kaso mapa maliit na pag-angkin na korte, seguro, elektronikong komersyo,kaperahan/pinansyal, freelancing na mga trabaho, paglilista ng mga cryptocurrency na bago kung saan mapagkakatiwalaan ang teknolohiya, pagpupustahan ng kinahinatnan ng isang tanong(Omen korte), Listahang lehitimo ng isang paksa (Curate korte) at iba pang maaring paggamitan ng Kleros na proyekto.

Noong nagsisimula palang ang pagsikat ng cryptocurrency at iba pang perang digital, ang natatanging pinaggagamitan lamang ng mga ito ay para sa pagkalakal at pagbili ng mga gamit mula sa mga website na natanggap ng ganitong digital na pera at cryptocurrency. Dahil sa likas na katangian ng cryptocurrency na kung saan ang pinapadalhan at ang nagpapadala ay maaaring di magkakilala. Dahil sa katangian ng cryptocurrency na may angkin itong privacy mula sa pagkakakilanlan ng mga nagpapadala at pinapadalhan ng pera sa buong mundo, ang ibang tao ay ginagamit ito sa di mabuting gawain gaya ng sa halimbawa sa freelancing na kung saan nagpapadala agad ng pera sa isang freelancer at bandang huli di nagustuhan ng kliyente ang gawa ng freelancer, maaaring matakbuhan na siya ng freelancer ng di ginawa ng maayos ang trabaho nito.

Dahil sa mga ganitong uri ng problema, nakaisip ang kupunan ng Kleros developers na gawin ang Kleros. Kung saan matutulungan ang isang naagrabyado sa kanyang hinaing o problema at matulungang maisaayos ang mga alitan mapa simpleng transaksyonal na gawain at produkto hanggang sa mapa technical na pag aanalisa ng isang proyekto at pag-audit ng mga codes sa blockchain at iba pang proyekto na nasa isang listahan na napatunayan o naberipika ng blockchain pamayanan o komunidad buong mundo. Hindi magkakakilala ang mga ito sa personal or magkita pero may isa silang layunin. Ang mapanatili ang kaayusan at patas na paghuhukom nang may paninindigan at mula sa malinis na konsensya na paghuhukom o pamamagitan sa mga kaso.

1.png

Ngayon, ipapakita ko sainyo at ipapaliwanag ko kung ano ang pangunahing panimula para ikaw ay maging isang hukom o arbitraryo sa Kleros at maging isang arbitraryo din sa iba ibang desentralizadong mga aplikasyon sa ilalim ng Kleros.

Narito ang buong mga produkto ng Kleros na plataporma. Iisa isahin natin ang mga ito pero tayo ay magpopokus muna sa Kleros korte.

Note: Lahat ng imahe ay may pagkredit sa may gawa sa mga link na nakalagay.

Pinagkunan: https://kleros.io/en/
image.png

Bakit maganda maging isang hukom sa plataporma ng Kleros?

a. Maaari kang maging arbitraryo o hukom kahit na sino ka man---> Sa katangian ng Kleros na platporm, maaari kang maging isang tagapamagitan sa mga kaso sa blockchain at iba pang alitan sa mundo ng cryptocurrency. Kahit ano ang natapos mo, di ka huhusgahan sa kung ano mang kurso ang iyong natapos. Basta nasa tama at mabuti ang iyong hangaring makatulong ay maaari kang sumali sa sistema nito.

b. Kikita ka!--> Alam nating sa pag aabugado at pagiging hukom, ay maaari kang kumita ng pera. Ganun din dito! Ang pinagkaiba lang, dito ay kikita ka ng cryptocurrency na Ethereum at Pinakion. Ang dalawang cryptocurrency na iyan ay tinataya ng parehon mga naghahabla ng kaso o nagpapasa ng kaso pati na din ang mga hukom sa Kleros upang magkaroon ng paglilitis sa kaso at magkaroon ng resolusyon o konklusyon sa kasong hahawakan ng bawat isang hukom o arbitraryo.
Pinakion nga pala ang pangunahing token ng Kleros sa sistemang ito na kung saan ang mga hukom na magbibigay ng desisyon kung saan sila papanig ay itataya ang kanilang mga Pinakion (PNK) sa korte na kanilang natipuhan o kung saan sila ay may kaalaman o eksperto sa napiling hukuman. Ang sistema ng matalinong kontrata sa Kleros sa ilalim ng Ethereum ay pipiliin ang isang hukom base sa laki ng kanyang itinaya sa korte na napili.

Kapag napili kang hukom ay mapupunta sayo ang mga kinakailangang dokumento sa iyong akawnt at maaari ka nang mag analisa ng mga kaso. Kailangan mong galingan at maging patas sa iyong pagdedesisyon dahil kapag natapos ang pagdinig sa kaso ay ang mayorya ng desisyon ang mananalo at makakakuha ng Pinakion at Ethereum ng matatalong mga hukom at nasasakdal sa Korte ng Kleros. Iyan ang iyong gawing motibasyon para mag isip ng kritikal dahil hustisya ang pinapairal dito. Ganito ang itsura ng sistem sa Kleros.

Pinagkunan: https://kleros.io/static/yellowpaper_en-28d8e155664f3f21578958a482f33bd1.pdf
image.png

c. Maging isang freelance na hukom--> Ang maganda dito, ay hawak mo ang oras mo kung sakaling gusto mong magtrabaho ngayong araw bilang isang hukom sa Kleros ay ayos lang. Kung ayaw mo naman e ayos lang din. Basta pag kukuha ka ng kaso ay dapat imonitor mo ito para alam mo ang nangyayare sa mga arbitraryo at mga desisyon ng nakararaming hukom.

d. Pagkakaroon ng karanasan sa hukuman--> Kapag ikaw ay natuto ng sarili sa Kleros at malaman mo na ang pasikot sikot, kung sakaling ikaw ay mag aral ng pormal sa pagka abogasya, may alam ka na dahil may karanasan ka na sa paghuhukom kahit na ikaw ay di pa lisensyadong tagapamagitan o abugado. Maaari mong ipagmalaki na nagiging daan ka ng hustisya di lamang sa iyong lugar o bansa kundi buong mundo!

1.png

Mga iba't ibang uri ng korte sa Kleros

Madaming mga korte ang pwede mong salihan sa Kleros. Depende sa iyong abilidad at kaalaman, maaari mong subukan ang alinman sa mga ito. Mas nirerekomenda ko na pasukan nyo lamang ang mga korte na may kaalaman kayo para di kayo mahirapan at maubusan ng pera.

Pinagkunan: https://court.kleros.io/courts
image.png

1.1 General Court--> Ito ang korteng pinakamadali na gawin. Dito mo ikakategorya kung alin ang alin sa mga kasong nakabinbin at ano ang mga elementong nakasaad sa bawat kaso na nandito. Kasama sa pagkategorya kung anong klaseng ipinasa at kung pasado sa Krayterya ng paligsahan o hinihingi ng Kleros na pagsasalaysay.

  1. Blockchain--> Dito ay isang korte na kung saan dapat may kaalaman ka sa mas malawakan o pangkalahatang kaalaman sa blockchain

  2. Blockchain> NonTechnical ---> Dito ay kung saan maaari kang maging hukom na kailangan mong mapatunayan ang isang transaksyon na nangyare ay totoo. Bukod dito, dapat ay marunong kang gumamit ng pampublikong panuklas o blockhain explorer kung tawagin.

3.Blockchain> NonTechnical> Token Listing ---> Ito ay pang mataas na lebel ng kaalaman sa blockchain na kung saan kahit di ka eksperto sa pag cocode ay dapat alam mong legal ang proyekto na malilista sa Ethfinex na exchange. Nakapaloob dito ang iba ibang dokumento na dapat mong basahin kaya maging mapanuri at dapat ay alam mo sa sarili mong kaya mo ito kung sasali ka sa korteng ito.

4.Blockchain> Technical--> Dapat sa korteng ito ay may kaalaman ka sa pagpoprograma ng computer at marunong ka mag code sa Solidity na kung saan ang mga ERC-20 tokens sa Ethereum blockchain ay maberipika mo at tama ang 'smart contract' na pagpapatupad nito sa blockchain. Isa pa dito ang pagtingin sa mga malilistang ERC-20 tokens na nasa pamantayan ng mataas na kalidad.

5.Marketing Services--> Itong korte na ito ay para sa alitan sa mga nangyayareng serbisyo sa Marketing na pinagawa o mga freelance na kitaan sa pagitan ng empleyado at kontraktor nito.

6.English Language--> Ito ay para sa mga magaling mag Ingles at pag poproof-read ng mga babasahin kung may dispyut na mangyare sa gawa, dito gagawin ito.

7.Video Production --> Ang korte na ito ay isa ding hukuman kung saan ang mga may alitan sa pagitan ng kliyente at freelancer ay maaaring mabigyang hustisya. Madalas ang pagtatalo dito ay patungkol sa kalidad ng video na ginawa ng freelancer o ginawa na wala sa napag usapan. Maaring bayad o pera din ang pagtatalo dito.

8.Onboarding---> Ito ang korteng kung saan para kayong may 'nesting' na kung saan napakasimple lang ng mga alitan sa kaso sa pangkalahatan. Sinasabing wala pang isang oras ay makakapagbigay na ng resolusyon patungkol dito.

9.Curation---> Dito ay pagtatalunan niyo kung ang isang post o laman ng isang tinatalaky na paksa ay naaayon sa krayterya nito. Dapat ang naipasa ay parehas sa paksa ng isang listahan gaya ng sa Kleros Curate.

10.Data analysis--> Dito sa korteng ito ay dapat may kaaalaman ka sa mga lupon ng datos sa mga code na kung saan para kang nag aawdit at icheck mo kung tama ba ang komputasyon ng mga ito.

  1. Data analysis> Statistical modeling---> Dito ay dapat may malalim kang kaalaman sa istatistika para makapasok atlis kursong Batsilyer ng istatistika mula sa isang unibersidad dahil ang mga pagtatalunan dito ay tungkol sa mga numero.

1.png

Papaano magkaroon ng Pinakion at maging isang ganap na hukom sa Kleros

Unang una, dahil nasa Pilipinas ka, di pa ganoon kadali kumuha ng Pinakion sa mga over the counter na bilihan na gagamitan ng credit card kaya ang gagawin mo ay magtutungo tayo sa isang sangay sa ating bansa na tinatawag na coins.ph

https://coins.ph/

Dyan ka bibili ng Ethereum mo na ibibili ng Pinakion sa mga susunod na hakbang.
Ito itsura nya.

image.png

Kung maari ay gumawa ka ng account mo sa coins.ph at mag log-in. Mag pa beripika ka din ng iyong pagkakakilanlan para mas mataas ang iyong mailagay sa account o kung maglalabas ng pera.

Kasunod nyan ay nasa iyong account mo na ikaw.

image.png

Sa taas ay mamili ka nalang ng kung anong gusto mong pamamaraan ng payment method at anong maginhawa para sayo o madali gawin ng pagpapasok ng pera sa account mo.

Ngayong may laman na kunyare ang iyong wallet, iclick mo ang ETH para maipapalit ang piso to Ethereum sa pamamagitan ng pagclick sa convert na button.

image.png

Mga hakbang tungo sa pagiging isang hukom sa Kleros

Ngayong may Ethereum na ang iyong wallet, maaari na tayong magpadala ng Ethereum papalabas galing coins.ph papunta sa isang web3 wallet provider na desentralisado pa din at ikaw ang may hawak ng pribadong susi para sa seguridad ng iyong pera. Maaari kang magpunta sa Metamask para magkaroon ka ng sarili mong web3 wallet para makipag interakt sa mga smart contract at sa platform ng Kleros.

Pumunta dito: https://metamask.io/index.html

image.png

Pindutin ang download button at piliin ang Chrome na button upang madownload mo ang ekstensyon para sa iyong browser. Pagkatapos madownload at na-enable mo na ang iyong wallet at naitago ang key phrase para sa pagrekober ng iyong pera kung sakaling lilipat ka ng iyong computer na gagamitin ay safe ang iyong pera.

Pagbili ng Pinakion token ng Kleros

Ngayong may ETHEREUM ka na sa iyong Metamask wallet, kailangan mo nang bumili ng Pinakion para may pangtaya ka kung gusto mong maging isang hukom sa Kleros korte.

Maaari kang pumunta sa website na ito: https://court.kleros.io/tokens

At pindutin ang alinman sa mga exchange na maaari mong pagbilhan ng Pinakion mula sa hawak mong Ethereum.

image.png

Pwede ka ding mamili dito dahil may sentralisado at desentralisadong pamamaraan ng pagbili ng Pinakion.
https://coinmarketcap.com/currencies/kleros/markets/

image.png

image.png

image.png

May mga kaukulang presyo ito depende sa kung saan mo balak bumili. Sundin lamang ang mga paraan sa pagtreyd at tiyak kong makakakuha ka ng Pinakion tokens.

Pinagkunan: https://kleros.io/en/token/
image.png

Pagsali sa korte na gusto

Ngayong may Pinakion ka na ay maaari ka nang makilahok sa paghuhukom sa mga alitan sa buong mundo.

Kung maaari ay magpunta na dito: https://court.kleros.io/courts

Pagkatapo nyan, makikita mo ang 'Join court' na button.

image.png

Makikita mo ito at pumili ka na ng iyong korte na paghuhukuman o arbitraryuhan base sa iyong kwalipikasyon, pagsasanay o angking galing sa blockchain at iba pang aspeto sa buhay.

image.png

Tandaan na depende sa korte na iyong pupuntahan o pipiliin, mas malaki o mas mababa ang Pinakion na kailangan mong itaya. Gaya halimbawa ng sa General na korte ay isang libong Pinakion lamang.

image.png

Habang sa produksyon ng video ay labing apat na libo ang kailangang itayang Pinakion.

image.png

Ito ang isa sa halimbawa kung tagumpay kang naging isang hukom sa Kleros na napili at ang iyong pagdedesisyon ay nakasalalay sayo lamang din.

Pinagkunang source: https://dribbble.com/shots/7135259-Kleros-Court-UI-Case-Card
image.png

Maaari mo nga palang makita ang iyong tyansang mabunot bilang isang hukom sa Kleros pag tinignan mo ito: http://klerosboard.com/odds/

Dito naman ay maaari mong tignan ang iba ibang kaso sa Kleros: http://klerosboard.com/

Sa ngayon ay may TCR2 na din na kung saan ang mga beripikadong magandang token ay nakalista, Kleros curate na kung saan ay nakalista ang isang mga listahan na kung saan ay totoo at base sa katotohanan ang lahat ng nakalagay dito. Ang escrow naman ay parang gagawin mong tagapamagitan sa nagbebenta at nabili na kung saan pag naayos ang kanilang kailangan sa isa't isa, saka lamang mailalabas ang pera sa nagbigay ng serbisyo sa freelancing at iba pa. Kleros omen ay para sa mga usapang prediksyon at may kaukulang pulso ng publiko tungkol dito.

Buod

Sa suma total ay napakaganda ng Kleros na plataporma. Maari kang mahasa sa iyong pag iisip ng kritikal ng di kailangan ng ganun kataas na pinag aralan. Bukod pa doon, ikaw ay nasasanay sa mga smart contract at kung paano ito ginagawa sa aksyon. Malaking tulong din ito upang magkaroon ng extra na pagkakakitaan ang mga pilipino. Kung sakaling manalo ka sa pag huhukom ay gawin mo lang ay ipadala ang PNK pabalik sa Ethereum at ipasa ang Ethereum sa Coins.ph account mo at gawing piso at vice-versa. Maraming salamat sa pagbabasa ng aking artikulo patungkol sa Kleros.

Kung may iba pa kayong kailangang makitang impormasyon, magtungo dito:

Website: https://kleros.io/en/

Whitepaper: https://kleros.io/whitepaper_en.pdf

One-pager: https://kleros.io/onepager_en.pdf

Kleros Curate: https://blog.kleros.io/kleros-curate-announcement/

Blog: https://blog.kleros.io/

Social media channels

Facebook: https://www.facebook.com/kleros.io

Linkedin: https://www.linkedin.com/company/kleros/

Github: https://github.com/kleros

Slack: https://slack.com/kleros

Reddit: https://www.reddit.com/r/Kleros/

Twitter: https://twitter.com/kleros_io

Telegram: https://t.me/kleros

About the author
My Metamask eth address connected to Kleros: 0xE90558e78964DF67A69866Bd1d838C2dA2966301

Do you like my advocacy? You can donate cryptocurrencies here:

Donate BTC: 19udCJXqMVcAPgK3tNC7VdVjJirSAsanDK

Donate Ethereum: 0xDFD2144eb8CC1212551d50b00b18a2fEfcf6762b

Donate Dash: XkrQAsEgxMkZSrDkgoQhgoAWSVPhfs5Lyd

Donate Doge: DC6pGognFVU4wrt6AJtkmD7mXRKFepnMZQ

Donate Litecoin: LNKorfrjR12h7Ykx3Ros8kZF5UiUqmotav

#teamphilippines

Here are other of my blogging profiles:
You may also earn cryptocurrencies from here guys!

Publish0x:https://www.publish0x.com/?a=gl9avlrdG1

Hive: https://hive.blog/@frankydoodle

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.21
JST 0.035
BTC 98664.10
ETH 3346.86
USDT 1.00
SBD 3.16