Maging Malaya sa Maikling Oras😊😊😊
Hello po sa inyong lahat😊😊😊
Magandang umaga po sa inyo kapwa ko pinoy. Akoy nagagalak at mayroon ng komunidad ang mga Pilipino. Dahil dito tayo kapwa pinoy ay nagkakaisa.
Hindi ko pa alam kung ano ang mga pasikot-sikot sa komunidad na ito, pero ako po ay handang makinig at matuto sa kung ano man ang layunin nito. Na kung ito ba ay makakatulong sa ating lahat. At kung magka ganoon man, ay hindi na ako mag dadalawang isip pa na suportahan kung ano man ang isinusulong nito.
Ang larawan na ito ay nagpapakita ng pagiging malaya sa kung ano man ang gusto mong gawin sa iyong buhay. Akoy masayang-masaya sa araw na iyan. Dahil kahit papano akoy nakawala sa aking problema kahit sa maikling oras lamang. Kuhaa ang larawang iyan sa bayan ng aking nobyo na si @jearo101 . At salamat din sa kanya dahil narating ko ang lugar na iyan at ito pa ang bonus siya lang din naman ang kumuha ng litrato sa akin.😊😊😊
Oh siya haggang dito na lamang. Mag iingat kayong lahat at pagpalain nawa tayong lahat ng poong maykapal.
ang iyong lingkod,
Mabuhay at Maligayang Pagdating sa ating Steemit Philippines Community. Salamat sa iyong suporta at pagtitiwala, sana ay patuloy po kayong magbahagi nang iyong mga likha dito sa ating munting komunidad. God Bless!!!
Maraming Salamat din po sa maluwag niyong pagtanggap sa akin dito😙☺☺