"Walang Tayo"
Kamusta kana? Okay ka lang ba?
Gusto kita makausap pero paano nga ba?
Natatakot akong balewalain mo lang ako
Pero pipilitin kong magpakatanga para lang sayo
Aaminin ko sayo ikaw pa rin ang tinitibok nito
Pangalan mo pa rin ang tinitibok ng puso ko
Naaalala ko pa, nung mga araw na nakakausap pa kita
Tila ba'y ikaw ang nagbibigay ngiti sa aking mga labi
Pero naguluhan ako,
Tila ba'y ika'y nagbago mahal ko
Sinubukan kong tanungin ka,
Kung bakit tila nagbago kana
Nagulat ako sa mga sinambit mo
Na iba ang nagpapatibok ng puso mo
Natauhan ako sa mga nalaman ko
Napagtanto ko na wala palang tayo
Sobrang sakit ng mga nalaman ko
Mula sa mga bunganga mo
Salamat at naging parte ka ng buhay ko
Kahit walang tayo
Photo Source: Pixabay
Thank you for dropping by!
let us all continue voting
@surpassinggoogle as proxy for witness or by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments

