Ang Pagtitiwala Sa Panginoon Ay Nangangahulugan Ng Kaligtasan.

in Steemit Philippines2 years ago

image.png

Iba’t iba ang mga bagay na kinakatakutan natin. Malamang ang nasa isip natin pag dating sa takot ay yung mamamatay tayo o ang mahal sa buhay natin o di kaya naman ay mawala ang source of income natin.

Ang hindi natin madalas naiisip ay madami tayong kinatatakutan na ang nasa likod nito ay tao o kapwa natin mismo. Halimbawa takot tayo na ma-offend ang boss natin baka matanggal tayo sa trabaho. O takot tayo na may magawa na mali kung nagmamaneho tayo lalo na kung may pulis sa harap natin. O yung takot tayo na makabangga ang mga taong malakas ang impluwensya at mataas ang posisyon. Ayon sa Biblia, Fearing people is a dangerous trap, but trusting the Lord means safety. (Proverbs 29:25)

image.png

Ang nais ipaalala sa atin ng Panginoon ngayong araw ay magtiwala tayo Sakanya dahil nasa Kamay Niya lahat ng bagay. Hindi ibig sabihin na hindi tayo magkakaroon ng problema kung sumusunod at nagtitiwala tayo sa Panginoon. Pero ang kasiguraduhan natin ay nasa Kamay ng Panginoon ang buhay natin at kabutihan ang hangad Niya sa atin.

image.png

Magtiwala at Sumunod sa Diyos. Ito ang pinakamagandang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal sa Kanya. At ito ang pinakamahusay na paraan upang maranasan ang Kanyang proteksyon sa ating buhay dahil kung tayo ay namumuhay ayon sa Kanyang Salita, Kalooban at Layunin, tayo ay maiiwasan at mapoprotektahan mula sa maraming sakit at sakit na idudulot ng ating mga maling pagpili kung tayo ay labag sa ang Salita ng Diyos. Magtiwala at Sumunod sa Diyos sa lahat ng aspeto ng iyong buhay upang maranasan mo ang Kanyang kapayapaan at proteksyon. 🙏❤️

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Galimuyod, Ilocos Sur, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


me.png
image.png

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 95945.56
ETH 3335.53
USDT 1.00
SBD 3.19