A Day With My Science Class Students

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

20220920_064509.jpg

Hello steemit family!

It's been a while since I posted my whereabouts here. It's hard for me to find time to make a post these days. Ngayong harapan na ang pagtuturo makikita mo talaga the after math of the pandemic. Literal talaga na there is a two year gap behind sa learning ng mga bata in which a teacher should do something right on the spot... kaya ura uradang side notes na ubusan ng oras ang ganap!

20220920_064445.jpg

Sa bawat session , lalo na at Math ang itinuturo ko, need ko talagang e catch ang attention nila dahil kapag hindi, mas lalong hindi na sila gaganahan pa at hindi na makisabay. So need ko mag prepare ng powerpoint daily at dyan na uubos ang oras kasi double yong trabaho. Yong dating lesson plan lang, may kasama ng powerpoint ngayon. Ang masaklap pa, todo yong paghahanda mo pero ang mga bata ang hindi handang makinig sa 'yo... boom!

Pero naman kasi mahal natin ang pagtuturo kaya go lang tayo ng go. Ibang level din naman kasi ang saya at satisfaction kapag mga bata talaga ang kaharap mo at hindi lang papel.

20220920_064411.jpg

Ayon, habang busy ang mga bata na ito sa individual written work nila, kinunan ko talaga ng picture dahil napaka amazing ng grupong ito. Parang scripted yong eagerness nila to work on their own. Kapag formative kasi may pahintulot po silang maki brainstorm sa katabi nila. Paraan upang mag karoon ng peer tutorial yong mga bata. May mga bata kasing mas na iintindihan nila yong explanation ni classmate kaysa ni teacher. Kaya lahat nang paraan embrace ko na talaga basta matuto lang yong mga bata.

Paro kakaiba ang style ng grupong ito. Dito makikita mo talagang naka yuko lahat. Ayaw pa ngang mag tanong e.
By the way, ito po ang normal na ganap ng Grade 10 "Science Class" ko. Normal na normal lang ang ganitong scenario. Mga batang talagang seryoso at issue pa ang mag tanong sa classmates. Yong tipong si teacher lang talaga ang may mapagkatiwalaang sagot ... ganern.
At ayaw na ayaw nila ang matapos ang session na walang learnings... o ha!

Kaya kahit super tired na, at gustuhin ko mang mag relax at mag chill lang pag uwi sa bahay, hindi pwede kasi kailangan kong maghanda para sa kanila. Iba iba dapat kasi yong approach pag dating sa grupong ito. Napaka challenging kasi, talagang nagtatanong at hindi lang "Oo ng Oo". Yong nakikinig at nag iisip talaga. Pero dito lang rin naman sa kanila na achieved yong objectives ko for the day. Kaya napaka worth it lang ang mga paghahanda ko.

So, ito po ang "buhay guro" ko these days. Hapo at naninibago pero hindi nagpapatalo! Hanggang sa muli...

Cheers,
@fabio2614

Sort:  

Hi @fabio2614

You don't need to include :

[Club100]

in your title.

 2 years ago 

copy po! thanks for your correction and support😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65306.74
ETH 3488.89
USDT 1.00
SBD 2.51