LABAN AKING KAIBIGAN

in #poetry8 years ago (edited)

Sa buhay natin ay hindi maiwasan
Na kung minsan ay may kalungkutan
Na wari'y sagad at di makayanan
Mistulang palaso na handa kang tamaan


Ngunit kaibigan nais kong ipabatid
Kung ika'y pagod na at ibig ng lubid
Pakiusap ko sayo mag-isip ka ng tuwid
Ika'y pumarito at sabay tayong tumawid.


Kay dami pa ang may dalang sakuna
Mayroong ina na binugbog ng asawa
Habang saksi ang maliliit na bata
Sa pagtangis at luha na sanhi ng pasa.


Sa kabilang dako naman ay may anak na ulila
Kanyang ama'y inatake, mabilis at bigla
Ang butihing ina ay may sakit sa baga
Naiwang mag-isa, magulang ay nawala.


May isang dalagita na nabuntis ng maaga
Hindi dahil sa landi kundi ginahasa
Sa dakong madilim ay doon ginawa
Walang awang pagyurak sa kanyang alaala.


Masdan mo ang matanda sa tabi ng kalsada
Hawak ang lata at nakakura sa barya
Ang di natin alam sa kanyang istorya
Sya pala'y pinalayas ng anak na lima.


Kay gandang ospital na nagsisitaasan
Datapwa't sa loob ay may paligsahan
Agaw buhay silang nakikipagsapalaran
Pilit lumalaban sa sundo ni kamatayan.


Huwag kang manlumo na parang lahat ay pasan
Hindi lang ikaw ang mag-isa sa digmaan
Magsimula kang bumangon na walang sukuan
At humingi ng tulong sa Kaitaasan.

Photo Credit: https://visualhunt.com/photo/226908/


Sort:  

tama po yan.laban lang

salamat po mam :)

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Pamela Clamille (escuetapamela) from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Galing galing, i think to attract more audience you have to use pilipinas instead of philippines pag tagalog post mo. Try mo next time.

Keep it up!

Ganun po pala yun sir. Maraming salamat po sa advise :D

wow ang galing mo talaga maam., ganda ng mensahi ng iyong tula.,

Maraming salamat po sir :)

kumusta! :)

Maayos naman po, kayo po kamusta na :)

Super ganda ng message!

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.079
BTC 60480.78
ETH 1583.43
USDT 1.00
SBD 0.47