ANG PAGSINTA NG ISANG MAGINOO

in #poetry7 years ago (edited)

Langit na matingkad habang araw ay kay liwanag
Pawis na tumatagaktak, sa bukirin ay magdamag
Kumukulong tiyan at sikmurang kinakabag
Mayroon pa kayang iibig sa akin na dilag?

Habang ako’y lulan ng matikas kong kalabaw
Aking naaninag sa sapa ay may nagtatampisaw
Pulutong ng kababaihan, hagikhik ay umaalingawngaw
Aking pansin ay napukol sa binibining nangingibabaw.

Habang ang karamihan ay nagagalak sa kanilang paglangoy
Batya at pamalo ang kanyang tangan, daig pa si Dagohoy
Ako’y napangiting lihim sabay ng sabon na dumadaloy
Dagliang napahanga ang puso kong hindi pusoy.

Mabilis pa sa hangin at ako ay agad na kumaripas
Lumang gitara ay hinanap at pinunasan ang maruming kuwerdas
Sa aking tampipi ay may gunting na sa buhok ay pantabas
Pilit na iginupit kahit wala na itong talas.

Ako ay yumaon patungo sa inyong tahanan
Takip-silim na nang ako’y dumating sa harap ng pintuan
Nagsimula akong bumigkas ng himig sa saliw ng tugtugan
Datapwa’t sa totoo lamang tuhod ay halos mag-atrasan.

Lumabas ang isang machete na may itak na dala-dala
Salamat sa iyong inay at ako’y pinatuloy muna
Tayo ay naupo ngunit pumagitna ang iyong ama
Labis ang kanyang pagbabantay sa anak na kaisa-isa.

Ni minsan palad mo ay hindi ko nahawakan
Nagkasya na lamang ako na ikaw ay sulyapan
Kahoy ay aking sinibak at ako ay nanilbihan
Tanging hiling ng iyong ama’t ina upang ako’y sang-ayunan.

Naging segundo lamang ang mga lumilipas na buwan
Wala akong hindi kakayanin ikaw lamang ay maging katipan
Sinuyo ko ang iyong magulang at nakuha rin kanilang kalooban
Ngayon ikaw ay akin na at aking kasintahan.

Nakarating tayo sa seremonya upang mag-isang dibdiban
Hindi ko mawari ngunit luha ko’y pumatak na tila ulan
Akin nang nasa harap ang matagal kong pinangarap alagaan
“Ikaw lamang ang iibigin hanggang sa aking kamatayan.”




Isinulat ni: @escuetapamela
Inilathala: Enero 29, 2018

Larawan:
https://www.pexels.com/photo/adult-art-barren-beautiful-417040/



Sort:  

Good written mam :)

Thank you so much :)

Ganda ng tula..god bless

Maraming salamat po :)

Before marrying my husband, and even until now, I am telling him, ikaw at ang ating anak, kayo lamang ang aking paka-iibigin hanggang kamatayan. 5 years na kaming mag asawa, at dasal ko sa May Kapal, bigyan pa niya ako ng mahabang oras sa aking pamilya upang ipadama ko sa kanila kung gano sila kahalaga sakin.

God will surely answer your prayers ma'am, mabuting asawa at ina po kasi kayo :)

we are so lucky to have some who will love us, no matter what

by @wagun001

Indeed sir, your wife and daughter is lucky to have you :)

very nice pam ^_^

Thank you sir :)

uh huh. beauiful poem! thanx. :)

ps. i follow u, u follow me.

Yes I will always remember that, you are on my list hehe

:P u know i was joking right? i only got about 2% of what u said, but i just know it was great!..

galing mo palang gumawa ng tula madam :)

Salamat po madam ;D

Its a wonderful poetry,nice post

salamat kaibigan ;)

Nice poem, keep it up.

thank you for appreciating :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 66057.55
ETH 2576.06
USDT 1.00
SBD 2.65