"Kasalukuyan" : Filipino Poetry
"Kasalukuyan"
Dahil sa panahon ngayon mga kabataan sarili ay binubugaw,
Wala nang respeto sa sarili,
Sariling puri ay pinagbibili,
Binulag na ng pera ang kanilang mga mata,
Perang madumi kapalit ay kanilang mga kaluluwa,
Dinungisan ang sarili para sa kaligayahan ng iba,
Habang sila ay masaya,
Pero yung sarili mo ay sinisira mo na,
Paano na ang yung kinabukasan?
Kung hinaharap mo ay winasak na at dinungisan.
Mga batang lalaki na nalulong na sa bisyo,
Sa murang edad humawahak na ng sigarilyo,
Sabi ng nakakatanda mga kabataan daw ang pag-asa ng kinabukasan,
Pero sa pag-aaral bakit kanila ng iniiwasan?
Pero kung bisyo di nila maiwan-iwanan,
At para may pang wal-wal nanakawan pati magulang,
Nagkandarapa na ang ama't ina mo at di sila sayo nagkulang,
Mga batang gumagamit narin ng shabu,
Ito yung panghimagas na kanilang paborito,
Shabu dun, shabu rito,
Tandaan mo uso na ang tokhang at di na uso ang lagay,
Kaya wag nyo sisihin si Duterte pagka merong namatay.
Hindi pa huling magbago,
Ang tinutukoy ko magbago bilang isang mabuting tao,
Hindi yung magbabago ka ng ibang bisyo,
Maikli lang ang buhay kaya matuto tayong magsikap,
Mag-aral ka ng mabuti para dika tumandang naghihirap,
Lahat tayo ay may patutunguhan,
May plano ang diyos sayo wag mulang pangunahan
Thanks for reading hope you enjoy,
Amazing bro! Ayos!
Thank you so much bro
Galing ng tula nyo. Keep it up
Salamat sir :)