I'd just want to share my dream

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

12:38am..friday.. nanaginip ako.
Sa panaginip ko, isang gabi daw habang naglalakad ako, ay may nakita akong mga tao.
At isa lang ang nakilala ko doon at yun, ay ang aking kapatid na dati, ay isang Bible study leader, drummer, guitarist, bahista, at singer.
Napaka talinted itong kuya ko.
![FB_IMG_1652506833511.jpg(

Ngunit nang nag.asawa siya ay, huminto na sa pagsimba, hanggang ngayon dahil sa asawa niya.
Ilang bisis na namin siyang sinabihan na bumalik, ngunit ayaw na niya.
At bumalik siya, sa dating buhay(backslider).
Sa aking panaginip, ay nakita kong manghuli daw sila ng ahas, dahil daw nakasanayan na nila itong gawin.
Ngunit, sa nakita ko, para kakaibang ahas ito, kasi hindi man lang ito mapansin, kung ahas ba o hindi.. Nang bigla itong gumalaw at napakabilis! nilunok yung kalabaw at sinugon sila ng mga kasamahan niya.
Nanuod lang daw ako sa kanila sa malapitan, wala man lang akong magawa.
Takot din ako, saking nakita.
Sa sobrang takot ko ay nagtago ako!
Nang marinig ko ang mga tawo na nagsabing, may pinatay dito.. at sumilip ako.
Nakita ko ang mga bangkay nila.
Sabi ng mga tao roon, hanapin niyo ang gumawA nito! hindi pa iyon nakalayo! takot ako! baka ako pagbintangan😿 kaya tumakbo ako palayo.
At doon ako dumaan sa kagubatan/kabukiran.. kasi, daw pagdoon ako dumaan sa daanan, ehh..
Makikilala ako ng mga tao na ako lang dumaan sa panahong iyon.
At nang patuloy ako sa paglalakad, nakita ko roon ang yumao kong Lola.
FB_IMG_1652505203791.jpg

At may ibang mga kasahan ko din sa church na nakita ko na buhay pa ngayon.
Papunta daw sila sa ibaba ng bundok upang mamili, at yung Lola ko, pababa rin.
Sabi ko sa kanya, mahirap ang daan kasi, sa nakita ko, parang waterfalls ang daan pababa.
Mga matutulis na bato at madulas ang daan.
Takot ako dumaan kasi, pag nagkamali ka, eh tiyak mahulog ka sa malalim na bangin, at Im sure mamamatay ka.
Sabi ng lola ko, hindi naman daw basta mag ingat.
Bakit daw hindi ko subukan? sabi ko, ayaw ko takot ako sa matataas na parte.
Sabi niya, sige ako nalang maona, gosto mo pa namang lumabas dito di ba?
Wala namang ibang daan, kundi ito lang.. kaya pumunta na siya roon.
Takot ako kasi, matanda na siya at hindi na siya makakita sa daan.
Kaya sabi ko sa kanya, lola ako nalang ang maona kasi, hindi kana masyadong makakita baka malaglag ka.
Kahit takot ako, pinilit kong dumaan roon dahil din sa kagostohan kong makalabas doon at makapunta sa ibaba. kasi takot ako mahuli ng mga tawo.. sabi ng lola ko, hindi ko daw tingnan ang ibaba o ang malalim na bangin dapat mag fucos lang ako sa dinadaanan ko.
Ako daw nag guide sa lola ko kung saan siya dumaan. at sa napansin ko, wala man lang takot sa kanyang mukha?🤔 nagpatuloy kami, nang, muntik akong mahulog kasi nadulas yung paa ko.
Tumingin kasi ako sa bangin!. buti nalang nakakapit ako At nang malapit na kami sa ibaba, ilang tiis nalang.
Parang nakalimotan ko yung takot at excited na akong makatawid sa daan. Kasi may daan sa gilid. talagang daanan, hindi katulad ng dinaanan naming buwis buhay! siguro nag landslide kaya ganun ang nangyari hindi na nagkarugtong ang daan.
At nang natawid na kami sa daan, ay nagpahinga muna kami.
Napakasaya ko na nagawa ko. Nalagpasan ko ang para sakin pinaka mahirap sa buhay ko. at napaisip ako bigla🤔🙄 na bakit si lola? hindi siya natakot?😏 at na realize ko.
Hindi naman siya makakita kong ano kahaba sa ibaba o ano kahirap daanan. Kaya siguro, hindi siya natakot.
kaya nga sinabi niyang hindi ako tumingin doon para hindi ako matakot.🙄 yun ang naintindihan ko.
Kaya pala hindi siya natakot kasi, wala siyang nakita.
Kaya nga pala🤔 natatakot ako, tumatakbo ako, dahil saking mga nakikita at imahinasyon na baka anong mangyari😔.. hindi ko malagpasan ang mga bagay kong pairalin ko ang takot saking puso at hindi ko harapin at subukan ang mga bagay.😕. yun ang natutunan kung aral.
May mga tao na kami nakasalimuha doon at naririnig ko sa kanila, na hinahanap nila ang pumatay sa mga tao. Hinangad nilang mahuli ang gumawa at makamtan ang hustisya sa mga namatay!😥
Takot ako!😱 kasi, may isang tao sa gilid ko ang nag salita at ang sabi, ako daw ang sisingilin sa kanilang dugo! sariwa pa daw ang mga dugo nila na bakas na naiwan. natatakot daw ako sa narinig ko na may tao pala nakakita sakin sa panahon na iyon.
Natakot ako😮 ngunit, nataohan ako! at sinabi ko sa sarili ko wala naman akong ginawang masama?
bakit ako matakot? andoon nga ako! nakita ko lahat ng pangyayari ngunit wala akong magawa dahil takot rin ako.
Sabihin ko lahat ng nangyari maniwala man sila o hindi!. pagbintangan man ako nila o hindi!🙄 basta, malinis ang konsinsya ko.
Sabi nung tao, dapat raw harapin ko ito at di ko tatakasan.
Dahil habang buhay ako magtiis saking kunsensya pag ginawa kong takasan.
At doon nagtatapos ang aking panaginip. kahit takot ako dapat ko raw harapin, at sabihin ang katutuhanan, maniwala man sila o sa hindi!..

ano po ba ang masasabi ninyo tungkol sa panagip ko?? ano po ba ang ibig sabihin o ipinahiwatig na aral tungkol dito?

FB_IMG_1652505208891.jpg

FB_IMG_1652503337309.jpg

Sort:  
 2 years ago 

Just keep on praying sis because I know God will reveal whatever is the meaning of your dream. Just stay strong in every trials that will come up in your way.

 2 years ago 

Thank you sis. Sa pag.encourage🙂😘

 2 years ago 

i have read some verses in the Bible about dun sa sisingilin... I believe that God is reminding you to continue pursuing your brother na magbalik loob sa Diyos... And for the part of your lola, as I was reading this, feeling ko iniencourage ka ng lola mo na gawin ang kung ano man ang kinakatakotan mo.

 2 years ago 

Tama ka😥 dami kasi bagay na takot ako gumawa. Sa sobrang advance ng pag.iisip ko, hindi ko pa nagawa, hinosgahan kona😔😥.. Baka ganito mangyari or ganon😕.. Salamat sa more encourage☺

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57831.03
ETH 3136.64
USDT 1.00
SBD 2.42