Literaturang Filipino : PAGKAMAKAKABABAYAN


Pagkamakabayan, ano nga ba ito?
Ito ba ay nasasalamin sa
Pagtangkilik ng sariling atin?
Gawang Pilipino ang bilhin at gamitin
At ating itanghal sa mga banyagang kapiling?


Image Source

Pagsasalita sa ating wika ba
Ang marapat na gawin
Upang pagmamahal sa bayan
Ay maipakita natin?
Sa pamamasyal ay sariling bayan
Ang ating unahin?
At pagpapahalaga sa sariling kultura
Ay laging isipin?
Ito rin ba ay mapadarama
Sa bawat paggunita
Sa ating mga bayani na katangitangi?
O di kaya ay nakaraan, o kasaysayan ay balikan
Upang maturingang may pagmamahal sa bayan?


Image Source

Ito ba ay naipapakita sa pananatili sa bansa,
Paglinang ng kakayahan sa kapakanan ng ating bayan?
Ito ba ay ang pagsisiyasat sa mga kaalaman
Na ikakaunlad ng ating kapaligiran?

Simple lamang ito kung ako ang tatanungin,
Wikang banyaga man ay sambitin,
O manahan sa ibang bansa ay gawin,
Kung sa isip at gawa naman ay hindi maililihim
Na mapagbuti ang kapwa Pilipino ang iyong adhikain.
Ito para sa akin ang tunay na diwa nitong salita-
Ang pagkamaKABAYAN ay pagkamakaKABABAYAN.


Image Source


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao and @steemph.manila

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Type in the box the witness account, example below for @precise



dreamielygif.gif

thealliance_ladies_3.png




Sort:  

Eksakto to ma'am. Ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino ay pagkamakabayan! Mabuhay po kayo.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by dreamiely from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

This post has received a 0.45 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Aba! Tila yata di na magmamaliw ang inspirasyong nananahan sa iyong puso at diwa.

Napakahusay! Mabuhay ka!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.19
JST 0.033
BTC 91239.44
ETH 3087.28
USDT 1.00
SBD 2.81