Tula # 10: Agahan [Filipino Prose Poetry Series]

in #literature7 years ago (edited)

Agahan na, kagigising lang natin. Ano kayang maaaring almusalin? Classic. Kape, pandesal, piniritong itlog.



Image Source

“Ano’ng luto gusto mo mahal?”, tanong mo.

“Kahit ano mahal ko”, tugon ko.

Narinig ko yung pagbukas ng pridyider, kanang kamay. Sa may bandang itaas ng pintuan nandoon yung lagayan ng mga itlog, inabot mo at kumuha ka ng isa, kaliwang kamay. Tapos naglakad ka pabalik sa tapat ng kalan sa may sulok ng hilagang kanluran ng ating kusina.

Nilapat ang puwetan ng kawali sa apoy na kasisindi lang. Pinalipas ang isang minuto at ibinuhos ang mantika sa nag-iinit na bakal. Isang minuto pa. Dun magsisimula lahat.

Hinampas mo sa gilid ng eskaparete, ninais na magkaron ng biyak. Tinusok mo ng iyong mga kuko at nagpumilit silang paghiwalayin ang tanging balat na sumasalag sa bawat panganib at pagkawasak. Hinila mo sa magkabilang direksyon at tuluyang lumabas ang yong hinahanap. Akala ko itlog yun, puso ko pala.

Dun nagsimula ang lahat. Isang minuto lang yung pinalipas mo pagkatapos ay ibinuhos mo ang lahat ng nadarama ko sa kawalan, pinatulo at hinayaang umapaw papatapon sa nag-ngingitngit at nagbabagang paglalagablab ng yong kasakiman. Pinalaot sa kailaliman ng mga katagang kabibigkas lang.

Akala ko nga maglalakad ka pa pabalik sa tapat ng aking kinatatayuan, sa sulok ng mundo kong walang hilaga, silangan, timog, o kanluran. Kaliwang kamay, lumapat sa mga pisngi ko at binigyan mo ng isa. Sa may bandang itaas ng mga baga ko ay namuo ang pighati at ninais na abutin mo rin at pawiin ng marahan. Kanang kamay, yaong bumitaw sa akin at siyang nagsara sa pintuang binuksan mo lamang upang makawala ka, ibinagsak at nag-iwan ng nakadudurog na tunog sa aking tenga.

“Kahit ano mahal ko…”, nasambit ngunit walang tugon mula sa’yo…

“…gagawin ko. Ano bang gusto mo mahal?”, naitanong ko ngunit wala ni isang bulong ng sagot mo…

Pusong nadurog, di matutupad na mga dasal, wala ka nang pake. Tragic. Hindi mo na ba ako pwedeng mahalin? Agahan na, kagigising ko lang.


Makikita ang orihinal na tula sa website sa Wordpress at Tumblr.

Ini-schedule na post gamit ang Streemian.

Nais mo bang gumawa ng tula at manalo? Pumunta sa blog ni @jassennessaj at sumali sa kanyang patimpalak.

Napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang serye ng tula - itong ang ika-siyam na paglalathala. Tignan ang koleksyon.


Maraming Salamat!

Thank you so much!




Sort:  

Kagiliw-giliw na post, talagang gusto ko ang ganitong uri ng pag-post. Lagi akong maghihintay ng isang bagay na bago mula sa iyo

Maraming salamat! :) Nakahanay na ang mga susunod na Tula. Hanngang Tuesday yata may post ako ng parehong oras.

May pagka-makata ka pala kaibigan. Tara na at mag-agahan. :) Happy sunday!

Haha. Maraming Salamat sir! Siguro nakasanayan lang. Hobby ang pagsusulat dati. God Bless you po!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68051.59
ETH 2632.70
USDT 1.00
SBD 2.67