Hanggang Maaga, Bitaw na
Hanggang maaga, bitaw na
Madaling sabihin pero mahirap gawin
Masaya tayo sa isa’t isa
Na akala ko may pag-asa
Sa mga halik na kay sarap
Sa mga yakap na kay tamis
Grabe, akala ko tayo
Akala ko maibalik na ang
Dating tayo
Akala ko lang pala
Kaya sabi ko sa sarili ko,
Bitaw na
Pero paano ako makakabitaw
Kung marami kang pinapakitang galaw
Galaw na nagbibigay pag-asa sa pusong kong ligaw
Sa bawat pagkikita natin ay para tayong jowa kung maka-asta
Sa mga tawa natin na parang halikhik sa higaan
At uulitin ko
Sa mga yakap mo na kay tamis
At sa higpit mong paghawak sa aking mga kamay na para bang ayaw mo ng humiwalay
Talagang hindi ako makakabitaw
Sa paglipas nang maraming araw
Unti-unti ka ng lumayo sa akin
Nawalan ka na ng gana
Pero sino naman ako diba?
Kundi ang iyong laruan at babaeng pampalipasan mo ng oras
Pero wala na akong takas
Tanga ako at nag-ookay-okayhan lang
Wala eh, hindi ko mapigilan
Hindi kita mabitawan
Sa mga panahon na iyon at hanggang ngayon, sinasaktan ko sarili ko
Ilang tula na ang naisulat ko para sa iyo
Ilang luha na ang naubos ko dahil sa iyo
Pero umaasa ako sa wala
Meron mang pag-asa ika mo
Walang walang ngang pag-asa ika ko
Alam kong mali
Alam kong masakit
Pero minahal pa rin kita
Kasi talaga naman kumapit ako sa katagang binigay mo na “tayo na sana kung walang pumipigil sa sarili ko”
At tanga nga naman ako
At naniwala naman sa iyo
Dumating yung isang araw na napagtanto ko
Na masasaktan pa ako pag tinuloy ko ito
Kay layo pa ang aking madating,
Naawa na ako sa sarili ko
Kaya hindi na ako magpadadala sa mga hawak kamay mo, sa mga halik, at yakap
Alam ko na mahirap limutan ka
Pero kakayanin para puso ko'y sasaya pa
Kaya nga sabi ko sa sarili ko “hanggang maaga, bitaw na”
Kaya …
Hanggang maaga pa,paalam na
Hanggang maaga, bibitaw na
AKO