UMASA
“Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin?
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain?”
Mula sa tula ni Huseng Sisiw na Awa sa Pag-ibig
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Sa hindi dadating ay maghintay?
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain?
Tila maalikabok na hangin
Ang sa mga mata’y nakabantay
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin?
Kulisap sa gabi ang tanging napapansin-
Ito ba ang hiling? Tingin di maidantay
At ang ako’y umasa’t panasa-nasain?
Sa isang gabundok na asin
Nalunod anf pusong nalatay.
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin?
Kakapit pagkatapos aalisin-
Ano ang nais: ang pag-asa’y mamatay?
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain?
Hindi na muling bumalik sa akin
Ngunit sa bangin ay nakalambitin.
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin?
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain?
Can you guess what type of poetry is this? If you guessed what type of poetry this is, then you may try to write one!