Ayoko Sayo
Bakit kaya may mga taong sadyang hindi ka maintindihan?
Lalo na'yong mga hindi makuha sa isang tingin man lang.
Kapag tahimik ka nama'y may sasabihin na sila.
Kapag umaangal ka nama'y mas lumalala pa.
Ano bang nais niyo sa akin ang marinig?
Ang sumang - ayon sa inyo sa akin ay ipinipilit.
Hindi lahat ng bawat sambitin, ay may pinanggagalingan.
Hindi lahat ng bawat hugot ko'y kailangan may katwiran.
Oo, nais ko na tayo'y maging magkaibigan.
Nguni't kung sobra ka na'y di bale, huwag nalang.
Mas gugustuhin ko ang mag - isa, kaysa makipag - lokohan sa tulad mong di tunay at tingin sa'kin ay katuwaan lang.
Ang malaman ang lahat tungkol sa'kin ay di na kailangan.
Ang magpanggap na kaibigan ko'y di mo na dapat pagkaabalahan.
Kung may balak kang abusuhin ang kabutihan ko sayo, huwag mo nang ituloy pa't intindihin ang buhay mo.
Dahil ayoko sa manloloko at nagbabait - baitang tulad mo.
Ayoko sa plastic kaharap at sa pagtalikod ko'y sinisiraan ako.
Ayoko sa huli na ako pa ang magmukhang masama.
Tumigil ka na, dahil ayoko sayo, sa manlolokong tulad mo.
Haha sana'y magustuhan niyo. Dedicated to tsismosa. :D