Ang Pag - ibig Ko
Ang pag - ibig ko sayong walang kapantay
Magunaw man ang mundo, malagot man ang buhay
Saan man mapunta ay laging taglay
Pag - ibig kong ito'y wagas at dalisay.
Ang pag - ibig kong tunay na nadarama
Ay para sayo lamang oh aking sinta
Apihin man ng mundo, lugmukin man sa dusa
Yaring buhay ko ay ipagtatalaga.
Himig nitong puso ko ay parang sayo
Ikaw ang tugma at ako ang tono
Di man maunawaan itong liriko
Ramdam naman sa himig, ito'y tapat at totoo.
At sanay magustuhan ninyo :D
upvoted