"Word Poetry Challenge #9 : Maskara"
"MASKARA"
https://pixabay.com
Kahit isa'y walang gustong makisalamuha.
Tinutuya ang kanyang mala-anghel na wangis
Tuwing makikita ang pilat na tila "MASKARA" sa kanyang mukha.
Anu ba ang kasalanan ng mapag-parayang paslit.
Ang madla ay biglang nautal at nanahimik,
Lahat ay lumisan papalayo at tila walang narinig,
Mga mata'y biglang napapikit.
Butil ng luha ay agad gumilid,
At ito'y hindi na napigilan pa sa pagpatak sa sahig
Ako'y kinabahan at baka sila'y aking nainis.
Nang ako'y lumingon katabi na ang batang paslit,
At ito'y nagwikang tumahan na ako sa pagtangis.
Bago punahin ang kapintasan ng iba.
Dahil bawat isa ay may iba't-ibang katangian,
Respeto sa isa't isa ang dapat maghari sa katauhan.
Maraming Salamat sa Pagbasa!
Steemitly yours
cradle
Please like @teardrops on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens