Word Poetry Challenge #11 : "Pagsubok"
Maligayang pagbati sa inyong lahat narito po ang aking lahok para sa panibagong yugto ng word poetry challenge ni ginoong @jassennessaj na may temang "PAGSUBOK"
"PAGSUBOK"
https://pixabay.com
Dalisay na pag-ibig ang papawi.
Malimit na bunga ay pagtatalo,
Tanging ikaw ang makaka-pagpabago.
At nasa tao raw ang gawa.
Ito ay nakatadhana,
Sa taong pinagpala.
Tayo ay pag-iisahin.
Walang ibang nais,
Kundi pamilya ay pag-buklurin.
At wag magdamdam.
Wag kang paalipin,
Bagkus ay lumaban.
Tumayo sa sariling kamay at paa.
Anu ang hindi kayang lampasan,
Pananalig ay panghawakan.
Sa t'wing ito'y nararanasan.
Kaloob ay mga aral,
Na hindi natin malilimutan.
Ito'y biyaya ng maykapal.
"PAGSUBOK" ang kanyang ngalan,
Hatid nya ay pagmamahal.
Marami Pong Salamat Sa Pagbasa!!
Kung nais lumahok sa patimpalak na ito mangyaring wag mag-atubiling tapikin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon wordpoetrychallenge
STOP! Freeze Frame!