Pusong Umaasa(tagalog-poetry)
Mapagapalang araw mga kasteemyans! Narito po ang aking akda na munting tula at sana po magustuhan nyo.😊
May akda; @blessedsteemer🙏
Mulat ang mga mata habang nakatingala at tulala,
Sa langit na kasing dilim ng damdaming kong puno ng luha
Ang isip tila ba ay naglalakabay,
Kahit pa nga..wala naman itong saysay.
Oh, paano na? Paano na? Tama bang umasa pa?
Sa aking gunita tanaw-tanaw kita
Nagniningning mong mga mata habang papalapit ka sa kanya...masaya!
Bigla ang dami kong tanong,
Bakit nagkaganon? Saan ako nagkamali?, bakit ngayoy sawi.
Alam kong batid mong ikaw lang ang aking mahal
Alay ko sa'yo pag-ibig ,buong puso ko't dangal.
Nguni't sadya yatang ako'y di pa sapat,
Upang ikaw ay manatiling masaya at tapat.
Ngayo'y walang hanggang sakit ang aking nararamdaman,
Luha't pighati na di ko maintindihan
Pagdurusa na hiling sana'y panandalian lamang,
Nang mabuhay na muli puso isip ko't katauhan.
Patuloy na aasa na darating ang panahon,
Puso'y magmamahal at sa pag-ibig ay muling hahamon.
Maraming salamat po sa pagbasa sa munting akda ko. Pagpalain tayo ng Panginoon!😊
@blessedsteemer🙏
Mahirap magmahal kapag yong inaasahan mong tao ay hindi pala parehas ng nararamdaman mo. Nawa'y maghilom at muling sumaya ang puso mong umaasa.
Slamat kabayan!