Tara Kain Tayo -- Sa Buddy's!
Hindi makakaila na mahilig talaga kumain ang mga Pinoy. Sa bawat kanto ng Pilipinas, meron dalawa o higit pang kainan.
Sa bawat palapag ng isang mall dapat merong kainan, kung hindi makakarinig ka ng mga reklamo sa mga mamimili.
Pero kung ating papansinin, ang mga kainang uso at patok sa mga Pilipino ay ang mga restaurant na may impluwensyang banyaga. Andiyan ang Italiannis, Sbarro, Tokyo Tokyo, Bon Chon, Mcdonalds, KFC, S&R at madami pang iba. Mabibilang sa kamay ang mga kainan na nagaalok ng mga tunay na pagkaing Pilipino.
Kaya nga at laking tuwa ko nang matagpuan ko ang kainang Buddy’s.
Pagpasok mo pa lang ay mararamdaman mo na nasa Pinoy Restaurant ka. May mga nakasabit ng Kiping, puno ng sunflower ang paligid at may mga larawan ng mga magagandang Filipina.
Inayos nila ang kainan na para kang nakikipiyesta sa Pahiyas Festival ng Quezon. Ika nga ng Slogan nila -- Dito Parang Laging Fiesta! Talaga namang nakaka-good vibes ang kanilang mga dekorasyon.
At ang mga pagkain.. talaga namang masarap at purong pinoy din.
Pumunta kami dito para kumain ng meryenda. Kaya umorder kami ng Pancit, BBQ at Pizza.
Masasabi ko naman na sulit ang binayad namin sapagkat sobrang sarap naman talaga. Kung mahilig kayo sa Pizza na nabibili lang sa kanto, yung crust ng Pizza nila parang ganun. Ako naman gusto ko ng ganung pizza pero minsan lang ako bumibili sa kanto kasi feeling ko madumi (kahit hindi naman) kaya masaya ako kasi pwede na kong bumili ng kanto pizza na sigurado akong malinis. Longganisang Lucban at Kesong Puti Supreme ang flavor na inorder namin, di ba kakaiba?
Madami pa silang pagkaing kakaiba at 100% Pinoy. Kaya inaanyayahan ko kayong kumain dito, hindi lang dahil sulit at masarap.
Kundi na din para makatulong tayo sa pagpapalaganap ng sarili nating kultura sa pamamagitan ng pagkain. Sana matuto tayong sanayin ang sarili natin at ang mga bata na tangkilikin ang sariling atin para maipasa din nila ito sa mga susunod na henerasyon.
Sobrang fave ko ang hardinera :)
My dad, lola and tita cooks it sometimes.
Are you from Quezon? Taga Lucban both parents ko.
Dad ko taga Lucban :)
Ang ganda dyan and they offer good food! :) Was able to try it sa Eastwood branch
yes! what did you eat? :)
Their specialty hehe! The pancit.
Would love to see your intro post soon
I already did an intro post. it was the first post that I submit hehe :)
@beng05 Ang ganda jan kabayan.. hindi ko alam meron pala nito...meron ba sa manila area?
meron po. :) ito pong kuha ko sa Mckinley, Taguig na branch. :) masarap dito kuya! haha
Thanks for the info..sana makapasyal jan...have a nice day!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by WanderGirl from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
lovely food.....
awesome food... nakakagutom!
haha thanks. kain! :)
This post has received a 0.63 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
Tama, dating pa lang ng lugar gaganahan ka nang kumain. :)
Looks like great food!
Glad to see you posting again :)
This post makes me miss Lucban, Quezon! Have you been to Lucban, Beng?
hi @ryssa yes i've been there once but did not get the chance to try their food. i should consider visiting this year. :)