My wednesday :)

in #steemitdiversify7 years ago (edited)

Bilang may anak ang hirap kumilos lalo na kung maliliit pa ang mga anak natin. Kasi hindi pwede malayo ang tingin natin sa kanila dahil baka kung ano ang mangyari. Kagaya ko dalawa ang anak ko at talagang maliliit pa. Nasa kalikutan pa. Kaya kailangan ko maging tutok sa kanila.

Kaya sa mga mommy na kagaya ko ang araw nila'y nagiging gabi. O di kaya'y sa twing tulog ang mga chikiting tsaka lamang makakakilos sa gawaing bahay.

Ito ang mga anak ko nakatulog na kaya ako dali dali na sa pag gawa.
20180307_105540.jpg

Nakatapos na maghugas ng plato at nakapag saing na din. Hehe. At ngayon naman nagsalang ako ng aking labahin.
20180307_110606.jpg
Hiwalay ang mga shorts sa damit at hiwalay din ang puti sa de kulay.

At kung sswertihin mamaya makakapag brush pa ako ng mga kumot at ibang puting damit.

Nakakapagod pero kailangan masanay kasi bilang nanay responsibilidad natin ang mga gawain sa bahay. At sa pag gising naman nila kakain na kami :)

Kahit maraming problema na dumating sa buhay namin. Positibo ko pa rin itong haharapin.

Sana kayo din :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58058.49
ETH 2284.09
USDT 1.00
SBD 2.51