Patayong Linya — Bantas sa Baybayin
Sa Sulat Baybayin ay may mga patayong linya na ginagamit sa sandaling paghinto at paghihiwalay ng mga salita sa ibang bahagi ng pangungusap.
- Isang patayong linya "|" para sa bantas na kuwit (,)
- Dalawang patayong linya "||" para sa bantas na tuldok (.)
Gaya sa nakagawian nang paggamit ng kuwit, gamitin ang isang patayong linya "|" para sa paghihiwalay ng magkakauring mga salita sa loob ng pangungusap. Gamitin naman ang dalawang patayong linya "||" bilang pananda sa pagtatapos ng pangungusap.
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
Baybayin Foundry
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21
Ayos. Unti-unting nakikilala ang baybayin. At sulat pa ni Gat Jose Rizal ang madalas mong gamitin. Mabuhay!
Salamat po @apulakansiklab. Mabuhay ang paggamit ng Panitik Tagalog!