"Hindi Tayo Perpekto "
Ako'y katulad mo na isang tao
Na 'di pinanganak na perpekto
Natural lamang na nagkakamali
At nagsisisi rin sa bandang huli
Bawat landas na ating tinatahak
Nag-iiwan ng bakas ng ating yapak
Yapak na gabay para sundan ang pabalik
At ang mga nakaraan sa isip ay manumbalik
Pare-pareho lang tayo ng lupang tinatapakan
Pare-pareho na mayroong pinanghahawakan
Pare-parehong sa pagsubok ay humaharap
At higit sa lahat pare-parehong nangangarap.