Hugot na Tula/Poem for Filipinos #14: Bag mo lang ata ang pwede kong yakapin

in #tula7 years ago (edited)

Muling nagtagpo ang ating mga mata
At sa isip ko’y nagtalik ang mga alaala
Ang dating distansya’y ‘sang yakap lamang
Ngayo’y sampung tula na ang pagitan.

Ngumiti ako
Ikinubli ang mga salitang
Noon pa’y nais nang sabihin.
Ngumiti ka
At tulad ng dati
‘Di mo rinig ang kwento ng damdamin.

Minsan lang na tayo’y magkaharap
Ngunit ‘di naman ako ang kausap
Sa kabilang linya’y ang pinalad
Sa sarili kong sulok, kaulayaw ay keypad.

Ngumiti ako
Natatawa sa tagpong
Di na sana nangyari pa
Ngumiti ka

Di para sa akin
Ngunit alay sa kanya.

Bago matapos ang araw ay maghihiwalay rin
Mga di nasabi, sa kawalan tatangayin
Kaligayahan na ang maksama ka ng minsan
At sa pamamaalam ay masambit aking pangalan.


Image Source

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 94309.43
ETH 3309.61
USDT 1.00
SBD 3.28