Ang aking mga Luha
Kahit na pinatawad ko na sila. Bakit naaalala ko padin yung mga pananakit nila, kung pano nila ako bugbugin at kung gano sila ka-unfair sakin. Gusto ko man magalit sa kanila at sisihin sila hindi ko naman magawa. Lagi ko sinasabi sa sarili ko na makakalimutan ko din yung mga yun pero bakit hindi parin?! Pag dinadown nila ako wala akong magawa kundi iiyak nalang at isipin na magulang ko padin sila at sila ang dahilan kung bakit andito ako sa mundong ito.Kahit na ganun sila sakin mahal ko padin sila. Wala namang akong ibang hiling kundi ang kapatawaran nila. Gusto ko lang magkaron ng katahimikan yung puso at pag iisip ko. Gusto kong makawala sa sarili kong bangungot na hanggang ngayon ay binabagabag padin ako. Sana magkaroon kami ng kapayapaan sa mga hinanakit namin at magmahalan na lang.
Ayoko na kasing umiyak sa tuwing maaalala ko mga bagay na ginawa nila sakin. Gusto ko nang kalimutan. Pero tanong ko parin sa sarili ko bakit hindi ko pa ba sila napatawad? Kasi para sakin napatawad ko na sila pero bakit masakit parin sakin ang nangyare. Kahit ano namang gawin ko galit parin sila sakin. At ako mamumuhay nalang ako sa kasalukuyan at magpupursige pa ako para sa kinabukasan ko dahil hindi laging may opportunity na darating sa akin. Kaya habang bata pako gusto kong mag success at balang araw magiging proud din sila sa akin.
#pilipinas #bayanihan #promo-steem
Please like @teardrops on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
If you have not done so please consider "steemgigs" as one of our witnesses, simply vote here using steemconnect. WHY? search for @surpassinggoogle it is his witness account. As other spread hate, fear and uncertainty rooted in greed. He spread love, compassion, generosity and patience to all even to his detractors.






Lahat ng iyong pinagdaanan at hinagpis ay sya ding magiging dahilan mu para maging matatag. Pray lang at lilipas din yan. 👍🏼👍🏼👍🏼 God bless
Salamat po kuya :)
Great post Madam Legit!!!
Salamat po sir :)
Sana maayos na ang gusot. Madaling sabihin, Lab lab lab! Pero mahirap gawin. Pero I still believe, time heals all wounds... Pray.
Yes sana pero sa palagay ko okay na din na ganito at least hindi kami lagi nagaaway.
Ma-swerte ka po kasi nandyan pa rin sila. Kahit anong gawin/sabihin nila sayo gawin mo nalang po motivation para sa mas magandang "Ikaw" sa mga darating na araw.
<3
Salamat po.
@ankarlie, walang perpekto buhay sa sistemang ito. Isipin nlng natin na pagsubok lang ang mga dumarating saatin. Malalagpasan mo din yan sa tulong ng pamilya mo at tapat na kaibigan. Kung ano man pinagdadaanan mo, importante napatawad mo na sila at alam mo malinis na konsensya mo. :)
Opo salamat po sa mensahe niyo.
don't read tagalog, but i really liked the pic! :P
The essence of my narrative is captured by that picture so you are not missing a lot :)
Maybe it's easier for you to forgive but it's hard to forget..You have a bright future if you'll strive hard. So no doubt they will be proud of you someday. Always pray that God will take away all your pains..All will be well.. fighting po! ^_^
Yeah I have gone this far and i will strive harder.
bunso @ankarlie salamat sa pagshare mo ng kwentong ito. ramdam ko kung gaanu ang pighati mo sa mga panahong nasasaktan ka at nahihirapan. masaya ako pinili mong intindihin at patawarin sila sa kabila ng sakit, napakabuti ng heart mo, just always pray and SMILE
Yes pinapatawad ko na sila kahit alam ko na hindi sila humuhingi ng kapatawaran
good job dear
@ankarlie
Thanks sir
Marvelous post carry on dare
Thanks for visiting my post see you around